Buong araw wala ngang July na nagparamdam. Nakipagkwentuhan ako kay Lyra kasi maaga sya naka-uwi. Nakwento ko na sa kanya si July, hindi man full yung story at di ko din binanggit na may jowa kaya kilig na kilig naman si girlie kasi first time kong magkwento ng kalandian, puro crush lang ako lagi.
Nag-laro muna ako saglit ng gabi tapos tamang kulitan ulit kami ng mga tropa.
"Ate Autumn, kain tayo ihaw" pag aaya sakin ni Lyra nung madaanan nya ako sa PC
"G, libre ko" sabi ko naman habang nagtatype sa PC dahil nasa laro pa din ako
"Palit lang ako" sabi ni Lyra at pumasok sa kwarto
Nag-paalam na ako kela Steph tapos nag out na at in-off na ang PC nila.
Paglabas ni Lyra ay naglakad na kami papunta don sa may tricyclean dahil andun yung ihawan. Masarap yung isaw nila 'don at tsaka yung barbeque. Nakatayo na sila don since nung bata palang kami, dun kami madalas after church pag walang gathering o kaya pagka walang dumaan na taho.
"Lyra! Ate Autumn!" tawag samin ni Isabel
"Isabeeel!" tili naman ni Lyra
"Hoy, bumisita ka naman samin at malapit na ko umuwi" sabi ko habang pumipili ng bibilhin sa ihawan
Nilagay ko na sa tray ang mga isaw at barbeque, naglagay din si Isabel ng mga iiihaw din para sakanya.
"Tara ngayon!" pag aaya ni Lyra
"May exam ako bukas, bawal ka ba hanggang next week ate?" tanong nya habang hinahawi ang usok sa mukha nya
"Ate balikan namin, bili lang kami coke" pag iinform ko don sa tindera sa ihawan, tumango naman sya kaya naglakad na kami pa-tindahan na malapit lang din dito sa tricyclean.
"Nako girl, mirakulo na nga na pinayagan ako mag one week dito. Hihirit pa ba ko?" natatawang sabi ko
Pag dating namin sa tindahan bumili na ko ng coke habang nagkwekwentuhan sila Lyra at Isabel.
"Nag babasketball sila Kuya kasama sila Kuya Jace, andon din si Kuya Lyro ah?" sabi naman ni Isabel
"Hoy! Tara!" excited na sabi ni Lyra
"Kalma girlie!" natatawa kong sabi habang buhat buhat ang coke
Bumalik na kami sa ihawan pero patuloy pa din kaming inaaya ni Lyra sa court, malapit lang yon sa may bahay nila, sa kabilang kanto.
Kinuha na namin yung inihaw, binayadan ko na din yung kay Isabel dahil may binigay naman sakin sila mama na allowance tapos wala naman akong ginagastos dahil palamunin naman ako sa bahay nila Lyra.
"Ibaba muna natin 'to sa bahay nyo" sabi ko habang naglalakad na kami pa-bahay nila.
Literal na binaba lang namin sa table sa may living room tas nanakbo na si Lyra palabas. Tawang tawa naman kami ni Isabel. Hopia yarn?
Pag dating namin don, naglalaro nga sila ng basketball pero may ilang lalaki din kaming hindi kilala.
Ang lakas talaga ng datingan pag nagbabasketball na mga lalaki 'no? Parang kikiligin ka kahit wala namang nakakakilig.
Todo tili si Lyra tas nagtutulakan naman kami ni Isabel
"Di ka halata Lyra" natatawa kong sabi sabay mahinang batok sa kanya
"Galing galing ng bebi ko, jowain ko talaga yan" bulong naman samin ni Lyra kaya natawa nanaman kami ni Isabel
Nag-aya na ko umalis kasi di naman ako mahilig sa sports, lalo na sa basketball. Malay ko ba don. Eh gutom na din naman silang dalawa kaya binalikan na namin yung ihaw namin sa bahay.
![](https://img.wattpad.com/cover/83711649-288-k952719.jpg)
BINABASA MO ANG
Walking in a Bad Idea
RomanceAutumn Eros, is someone who loves to read, write, and speak about love. Always burning with passion when it comes to romance, and relationships. Although, she has not experienced it before. On the other hand, Julian Leander Orquidea, called by his...