Chapter 13

28 4 0
                                    

May 18, 2016 - Wednesday

Tanghali nanaman ako nagising gawa ng anong oras nanaman kami inabot ni July ng pag-uusap.

For the past few days kasi, laging umaabot usapan namin ng hanggang 5AM, although lagi syang wala ng tanghali hanggang hapon.

Ang saya saya ko lang kasi ang dami kong nalalaman tungkol sa kanya, tapos mas lalo syang nagiging concerned and sweet.

Nasa condo na ako sa Quezon City, and wala pa pasok kaya wala talaga akong ginagawa. Binuksan ko na yung TV para manood. Wala akong mapanood na bago kaya nanood nalang ako ng The Amazing World of Gumball sa Cartoon Network.

Mas prefer ko kasi cartoons, kung hindi romcom ang genre ng movie. Gawa ng nabobored ako sa Action, duwag sa horror, at yung ibang genre hindi interesting para sakin kung hindi sya nakakatawa or about love.

Chineck ko kung gising na si July.

Julian: Pakinggan mo Ms. Jackson ng PATD!

Autumn: Sige, eto na po

In-open ko na sa YouTube ang kanta at pinakinggan, chineck ko din yung lyrics para mas ma-understand yung kanta.

Ganda. Ang solid talaga ng mga sound trip neto ni July. Mas nafafall pa ako sa ganda ng music preference mo.

Autumn: Ang ganda kasi pinapakita yung perspective nung iniiwan after one night stand, pero with feelings syempre yung point of view. Yung feeling na alam mo na every night hindi sya sayo, pero mahal mo pa din.

Julian: Whoa whoa deep, pakinggan mo din This Is Gospel.

Sinearch ko agad, at pinakinggan. Tapos hinanap ulit lyrics.

Autumn: Grabe, ang daming pwedeng meaning sa lyrics. Tapos yung MV din ang lupet.

Nagka-gulo na kami sa MV, dahil daldal na din sya sa mga opinyon nya, tapos nag-recommend pa sya ng nag-recommend ng mga kanta.

Autumn: Pakinggan mo yung Do I Wanna Know ng Arctic Monkeys.

Maya maya ay nag-reply na sya.

Julian: Di ko trip tunog.

Autumn: How 'bout Mardy Bum ng Arctic Monkeys? Feeling ko ganun gustuhan mong melody.

Julian: 'Yan, maganda.

Eto yung kadalasan naming ginagawa, makinig ng music. Sinasabi yung opinyon sa mga kanta, at tsaka kung maganda ba o hindi para samin. Laging maganda sa pandinig ko kantahan nya, samantalang sakin sobrang dalang lang nung trip nyang kanta.

Nag-off muna ako para maligo. Tapos nag-hanap ako ng pwedeng lutuin para ulam ko ng dinner, gawa ng gagabihin naman lahat ng tao, at naka-dinner na 'yon lahat.

Nakakita ako ng egg, at century tuna. Niluto ko na yung egg at ininit yung century tuna, tapos nag saing.

Habang inaantay ko maluto yung kanin, binuksan ko ulit yung IPAD at nakita kong nag notif yung twitter.

@Juuuuuly tweeted:
Notice me, senpai @autuuumn

Yiee, miss ako agad.

@autuuumn tweeted:
@Juuuuuly noticed ;)

@Juuuuuly tweeted:
@autuuuumn pansinin mo na chat ko

Binuksan ko na messenger at nag-kwentuhan nanaman kami. Bigla naming napag-usapan yung favorite movies.

Julian: Ano gusto mong genre?

Autumn: Romance, ikaw?

Julian: Have you already watched 500 Days of Summer?

Walking in a Bad IdeaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon