Chapter 18

23 3 0
                                    

June 14, 2017 - Monday

Tapos na ang SPES and dito na ko sa Laguna mag-isa tuwing weekdays, tapos weekend uwi uli ng family. 

And guess what? I'm dating Al. Di pa kami ha, like casual dating palang, kasi ayoko pa pero araw araw kami magkasama. Ayun, it's my first time dating someone, and sobrang dami kong naeexperience na first time and I wanted to explore more.

I've met Al's friends na and pinakilala nya din ako sa family nya agad.

Pero the thing is... Al felt like my destiny din kasi Al was around me na pala kahit nung bata palang ako. Nagpunta sya sa family church namin nung bata palang kami once. Lahat ng childhood friends ko sa church kilala nya and kapitbahay and ka-street nya yung mga kuya-kuyahans ko. Parang eto yung right moment to meet. 

Nahihiwagaan lang ako and for a while, sobrang na-immerse ako sa life with him na di ako nagkaka-opportunity to be alone.

Pag nag-ninight ride kami, at pumupunta kung saan saan, tumatambay whenever and wherever we want. I felt liberated, I felt like I can do everything. 

I've been exploring na and was open to do things... you know. Tinuturuan nya ko nung mga bagay na di ko alam. I was able to do these things with Al kaya sa pag-tagal din ng panahon, mas naging pamilyar sya sa'kin at mas na-aattach ako saa kanya. 

The best part is he looks at me equally, unlike July na palagi akong minamaliit at binababa.

It's my first time to be taken care of by someone who's attracted to me. My first time to be desired so much na kahit saan gusto nya kong hagkan. My first time to be seen and adored.

Pauwi na kami galing sa tambayan namin na kabarkada nya and walktrip lang kami, magka-hawak ang kamay habang nag-kwekwento sya ng mga ganap sa mga buhay ng barkada nya na nakilala ko sa pinag-tatambayan namin.

Unti unting pumatak ang ambon at biglang lumalakas ito. Naglakad kami sa ulan at patuloy na nagkwentuhan at tawanan.

Sa kalagitnaan ng lakad ay tumingin sakin si Al "I love you" mapungay at nakangiti nyang saad

"I love you too" sabi ko

Words that I've cherished so much, felt so... used and empty. I know I will never feel the love I had for July again, pero I feel so free with Al and somehow, he makes me feel things na bago. Lahat ng pinagkait at dineprive sakin na makamundo na gusto ko danasin, Al opened that door for me.

"Ang ganda ganda mo, sabi nung nakasalubong natin nung isang araw na tropa, quality ka daw" pagmamayabang nya

These words na never sinabi sakin ni July. 

"Weh?" pag-fifish ko pa ng compliments

"Oo, kahit nga sa SPES, halos lahat ng tropa natin may gusto sa'yo, kunwari lang mga yon pero lagi nakalapit sa'yo, pero sorry sila ako ang napili" sabi nya habang tumatawa

These words na kabaliktaran ng mga panlalait sakin ni July before.

Hinatid nya na ko pauwi at umuwi naman sya para maligo din at magpalit ng damit. Pag-uwi ko, naligo na ko and nagpalit na ng damit. Chineck ko ang phone ko and nakita ko na nag-chat pala sakin si Alisa.

Alisa: Hey I have a confession to make

Autumn: Go ahead bby

Alisa: Sinabi ko sakanya HAHAHAHA

Autumn: Na?

Alisa: Tignan mo reply nya

Sinend nya saken yung screenshot nung convo nila sa laro ni July.

Walking in a Bad IdeaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon