April 10, 2016 - Sunday
"Ate Autumn, punta tayo sa bahay ni Lyra." excited na pag-aaya ni Isabel pagkatapos ng simba
Si Lyra yung isa pa naming tropa, kasing edad ni Isabel. Mas matanda ako sa kanila ng mga tatlong taon. Kasi yung mga ibang kabataan don sa simabahan namin puro kasing age ng dalawa kong ate, so ang tropa ko etong mga mas bata sakin.
Parang pamilya na din talaga yung church namin, gawa ng ever since baby palang ata kami, hanggang sa ngayon, magkakasama na talaga kami. Mga childhood friends talaga kasi lumaki ng magkakasama, tapos palaging may mga outing with them din.
Kaya kahit napaka strict ng parents ko, okay lang sila pag nagpapaalam ako na tatambay sa bahay ng mga ka-churchmate. Actually, lahat ng bahay namin, walking distance sa church at sa isa't isa. Akala mo nasa aquarium kami eh 'no.
Pagka-dating na pagka-dating namin sa bahay ni Lyra ay bumagsak agad ako sa sofa nila.
Yung bahay nila Lyra ay isang floor lang. Bali pag-pasok po ng gate, garahe na nila. Tas may maliit na hagdan lang sa elevated na receiving area nila na may malaking tv at sofa. Tapos sa loob ng bahay andun yung dining area, kusina, banyo tapos may tatlong mga kwarto.
Nag-simula na kami manood ng mga RomCom. Mga duwag kami kaya matik di kami nanonood horror movies kahit tanghaling tapat naman. Tamang cute lang.
To be honest, duwag talaga ako sa kamatayan, multo, basta lahat ng nasa context na ganun. Ayoko ng mga dark at mga nakaka-bother na topic, larawan, musika, storya, o palabas.
Gabi na kaya alam naming susunduin na si Isabel any time, kaya pinakain muna kami ni tita ng dinner, pagkatapos namin kumain bumalik na kami sa receiving area at pinagpatuloy ang aming pinapanood.
"Tao po." pag-tawag ni Kuya Jayden sa gate. Si Kuya Jayden yung kuya ni Isabel, may kakambal sya, which is si Kuya Jam. Di naman sila yung super magkamukha, like magkahawig sila pero kita mo talaga difference nila from looks and how they talk.
Nakita kong naglalakad na papalapit din sa pinto si Kuya Jam. Tapos sumunod sa kanya is si Kuya Lyro, yung kuya kuyahan ko pero legit na kuyang magka-dugo sila ni Lyra, tapos sumunod naman si Kuya Jace, yung crush ni Lyra.
"Bakit andito kayo lahat?" curious kong tanong.
"Tinanong yung may ari ng bahay ah, baros" natatawang sabi ni Kuya Jace
"Hinahatid lang si papi Lyro." sagot ni Kuya Jam, sabay binuhat at inilapag sa loob si Kuya Lyro ng gate. Hagalpak sa tawa ang mga ulaga eh, ginawa ba namang santo nino si Kuya Lyro.
"At syempre kakain" pag-dugtong ni Kuya Jayden sa sinabi ni Kuya Jam habang napasok sila sa loob ng gate.
"Titigas ng mukha ah." pangungutya ni Kuya Lyro ng pabiro.
Tawanan nanaman sila.
Kumain na sila at may unting chikahan lang tapos mga ilang oras nagsi-uwian na sila.
Naiwan ako kasi susunduin ako nina mama at papa dito dahil uuwi na kami ng Quezon City.
Backstory lang, sa Quezon City ako nag-aaral simula pa nung Grade 8 ako. Currently bakasyon ko na pa-Grade 10. Bali Monday to Friday nasa QC kami, may condo kami don at kaming lima, which is sila mama at papa tapos yung dalawa kong ate is nagkakasya don sa studio room. Pero every Saturday umuuwi kami sa Laguna kasi andun talaga yung bahay namin and mga gamit. Tapos syempre Sunday is simba day and as I've said nga kanina, dito na kami lumaki so super attached.
Pero to be honest, hindi ko naman talaga kelangan umuwi gawa ng bakasyon ko na. Tapos di ko na den need pa umuwi sa bahay at pwede na ko sunduin dito dahil wala naman akong kelangan dalhing gamit kasi may mga damit pa ko don.

BINABASA MO ANG
Walking in a Bad Idea
RomanceAutumn Eros, is someone who loves to read, write, and speak about love. Always burning with passion when it comes to romance, and relationships. Although, she has not experienced it before. On the other hand, Julian Leander Orquidea, called by his...