Chapter 6

77 7 1
                                        

May 2, 2016 - Monday

After kumain ng lunch at mag-hugas, nag-bukas na ako ng laptop dahil last na chat sakin ni July nag lalaro daw sya, edi sama nalang ako sa kanya diba?

Pag bukas ko ng laro nakita ko online si July kaya finollow ko sya. Napunta ako sa pinoy tambayan. Ang daming tao, may mga bagong tao na di ko kakilala pero kakilala ni July. Mukhang sila yung group of friends nila Alisa and Lou with July.

Buti nalang andito din si Alisa, sya yung nagpakilala sakin sa kanila. Nanibago nanaman ako kasi di ako pinapansin ni July gawa ng ang kausap nya yung Apollo. Usually kasi pag pasok na pag pasok ko sa room, todo bati na agad si July sakin.

Tamang kulitan lang ulit ako and napakilala na don sa mga new people na friends nila Alisa. 

Tinry ko maging feeling close din kay Apollo kasi mukhang super tropa sila ni July. Syempre di lang si July dapat maimpress sakin, dapat lahat ng tao sa buhay nya. Pero nung nag hello apollo ako, sinabihan ba naman ako ng "sino ka?" imbis na mag-hello nalang din, kaya di ko na sya kinausap kasi napahiya ako sa harap pa ni July.

Bigla akong na-disconnect kaya nag-refresh ako tapos nung nag-load na ulit yung game, finollow ko ulit si July pero as usual no "welcome back" man lang from July, and sila Alisa lang pumansin sakin.

(Author's note: The following conversations are inside the game.)

Tin entered the room

Tin: Hi mga papi

Apollo: Chix ka ba?

Tin: Syempre

After ilang oras ng kwentuhan. Super napansin ko na talaga na di ako pinapansin ni July buong nandon ako sa laro, tinatry ko intindihin kasi kasama nya yung Apollo. 

Pero ano ba naman yung andito ko tapos interesadong interesado sya dun kay Tin dahil kanina pa sya tanong ng tanong tapos small talks don sa bagong dating na girl.

July: Meet up tayo

Tin: San ka ba?

Autumn: Out muna ako

Pag-aannounce ko sa lahat ng andon, nagsi-babye naman sila. Sinarado ko na yung laro tapos shinutdown yung laptop. Kinuha ko yung tablet tapos nakita ko yung notif ng twitter na nag-dm sya pero di ko pinansin.

Humiga ako tas tinry na matulog nalang.

Hindi ko na nga maintindihan ano meron kami.

Nag-I love you sya sakin tapos super sweet sakin recently. Palaging may updates, paalam, kwento sa nangyari sa kanya nung araw na yon. Iniisip ko kung wala na syang jowa, pinupursue nya na ba ako? Like nanliligaw na ba sya? Papunta na ba kami sa ganong point?

Nakaka-umay din yung sobrang mainit sya tas lalamig tas iinit uli tas lalamig. Nakakatamad na mag-expect, pero nag-eexpect pa din ako palagi.

Gabi na nung magising ako. 

Nahimasmasan na ko sa selos at inis ko kasi napaltan na ng pagka-miss sa kanya kaya chineck ko na yung DM ni July.

July: San ka? Bat ka nag-out?

Pero wala na syang dm after, wala din syempreng suyo, gugulat nalang talaga ako pag meron.

Kaya nag bukas nalang ako ng laptop tapos inopen ko na yung laro, nakita ko online pa din sya kaya nag-follow ako sa kanya.

Pagka-follow ko kay July, may kasama nanaman na babae, Althea yung name tapos silang dalawa lang nandun.

Aalis na sana ko uli at mag-mumukmok, at di na mamamansin, pero biglang kinausap ako ni Althea tapos sobrang bait nya. Ang dali lang nyang pakisamahan tapos ang kulet. Edi yun nung naging komportable na ko sakanya tamang daldal na kaming tatlo.

Walking in a Bad IdeaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon