Chapter 2

69 8 0
                                    

April 11, 2016 - Monday

Nakakapanibago gumising sa ibang bahay, pero grabe first time ko 'to.

Yung ibang mga tao na 15 yrs old din, nakaranas na nito dati pa, pero ako ngayon lang talaga. Masyado akong sheltered eh. Kahit nung sobrang bata ko pa din, ang childhood ko is mag laro lang sa computer ganon. Bawal din kasi ako lumabas ng bahay ng walang kasama ganon, eh sino namang sasama sakin diba? Both working ang parents ko, tapos yung mga ate ko nasa school or nasa ka-tropa nila.

Walang tao sa bahay nila kundi si Kuya Lyro pero nasa kwarto nya lang siya. Mag-gegrade 7 palang si Lyra, tapos ako mag Grade 10 na sa pasukan.

Nag-susummer class si Lyra kaya may pasok siya ngayon, kaya wala siya ng umaga tuwing weekdays. Tapos si Tita Ems at Tito may trabaho, may ari sila ng franchise ng 7/11 kaya yayamanin talagang tunay!

So dahil wala naman akong ginagawa, tamang gamit lang ako ng PC nila. Tapos fun fact lang, yung cellphone ko nanakaw sa computer shop nung Grade 9 ako habang nag-lalaro ako ng League of Legends, tas di na ko binilhan cellphone kaya wala ako gamit ng isang taon na, buti nalang kamo yung tropa ko sa school pinaheram saken ipad nya.

Excited na binuksan ko ang twitter ko dahil may kalandian ako kagabi. Oo tama kayo ng basa, kalandian... at si July 'yon. 

After that tweet kasi, nagsimula na kaming mag landian sa twitter tapos ayon pati sa laro nung nag-open kami, tamang landian kami. Nagtutweetan lang kami ni July sa isa't isa kagabi pa, although hindi kami nag-ddm, kahit sa laro sya lagi kong kasama.

Interesado din ba sya sakin? Type nya din ba ko? Kasi type na type ko sya.

Di matanggal ngiti ko gawa ng ngayon ko lang na-eexperience yung ganito. Never ko pa na-experience makipaglandian, as in yung kumaen ka na ba mga ganong harot tas babanat.

How do I describe July? Sobrang funny niya, pero at the same time sobrang deep niya kaya may sense lagi sinasabi nya. Sya yung tipong palaging nag-jojoke pero yung humor nya may laman lagi, wala sobrang benta sakin lahat ng sinasabi nya. Sobrang...di ko alam, may something sa kanya na di ko ma-explain.

Aware ako na bet ko sya and I really am attracted... sa way nya mag-express ng thoughts, and his sense of humor... and how he talks to me.

Inaasar kami nila Alisa, at ng iba pa naming friends dun sa laro. Shiniship kami and wag kayo sobrang kinikilig ako dito! 

(Author's note: The following conversations are inside the game.)

Alisa: Kami abay sa kasal!

July: Ayos na sayo sa gubat nalang location ng honeymoon?

Autumn: Hala? HAHAHA tuko moments tayo ah

July: Hey no huh HAHAHA gusto ko lang makipag-saya sa nature

Autumn: Oh sige, yung nature nalang pakasalan mo hmp

July: Ayoko, gusto ko sa'yo.

AAAAHHH

After ng ilang usapan pa, nag-off na muna ako at kumain na ng lunch, gawa ng tinawag na ako.

"Autumn, sama ka sa pag-sundo kay Lyra?" tanong sakin ni Kuya Lyro habang nag aayos ako

"Sama ako! Maliligo lang ako." excited kong sabi.

Mahilig ako gumala, super kaladkarin kong tao pag may chance na gumala. Kasi ayon nga deprived din talaga ako sa mga gala, socializing with people sa labas ng school or simbahan, kaya sobrang excited ako sa mga ganito. Lalo na kasi mag-dadrive si Kuya Lyro, first time kong sasakay sa passenger seat na di tatay ko nagmamaneho, at medyo kasing age ko lang yung nagmamaneho. Mga age kasi nila ate ko saka nila Kuya Lyro is ages 18 -19 yrs old. Tapos yung panganay saka yung other churchmates pa na older 23-24 yrs old.

Tinapos ko na agad yung pag-kain ko tapos naligo na ako at nag-bihis ng simpleng t-shirt at shorts, at nag tsinelas.

"Kuya Lyro!" nag mamadaling tawag ko sa kanya at baka maiwan ako.

Pumunta ako sa living room nila at nakitang nag-lalaro sya ng NBA sa xbox, kasama sina Jayden, si Kuya Jam at si Kuya Jace.

"Hala uy, bakit andito si Autumn?" gulat na gulat na tanong ni Kuya Jace

"Nakikikain din, pero ng isang linggo hehi." pag jojoke ko

"Uy, baka naman. Aya aya naman." pagpaparinig ng pabiro ni Kuya Jam

Nag-harutan pa sila ng unti, parang mga engot.

"Sunduin lang namin si Lyra, wag nyong nakawin yung TV. Sumbong ko kayo sa batas." matapang na saad ni Kuya Lyro

"Kapal pre, mas malaki TV namen sainyo!" mayabang na sabi ni Kuya Jace

Tawa nanaman sila tapos bumalik na sa pag-lalaro. Alam nyo na bakit ito ang bahay ng tambayan, they got it all HAHA. From movies to gaming, andito na lahat.

Pumunta na kami ni Kuya Lyro sa sasakyan at sumakay na ko sa passenger seat. Hawak ko yung cellphone nya na naka-connect sa bluetooth. Tamang hanap lang ako mga kantahang pang-roadtrip.

Nakarating na kami sa eskwelahan ni Lyra pero hindi na ako pinalabas ni Kuya Lyro, at siya nalang pumasok sa loob para sunduin si Lyra.

Biglang naalala ko si July. Bigla nalang akong uwing-uwi na. Miss yarn? Gusto ko na ulit sya kausapin. Clingy malala eme. 

Bigla kong naalala yung twitter header nya, si Hayley Williams ng Paramore. Tinanong ko sa kaniya bakit ganun header nya nung nasa laro kami nag-uusap, paboritong banda daw nya yung Paramore.

Alam ko mga old songs ng Paramore, pero yung mga bago hindi na. Nag start na ko makinig and basahin mga lyrics. In fairness, maganda naman yung mga new songs ng Paramore. 

Pumasok na si Lyra sa kotse at Kuya Lyro, ang daldal ni Lyra sa byahe, daming kwento. Tapos nantitrip pa si Kuya Lyro, sinasabayan beat ng kanta sa pa hinto hinto nya ng kotse, subsob ako one time eh, parang raulo talaga eh.

Pagkabalik namin sa bahay nila at syempre andun pa din sila Kuya Jace. Bumaba agad si Lyra para makipag-harutan sa kanila, ehem kay Kuya Jace lang talaga. Inapiran ko lang sila isa isa tapos pumasok na ako sa loob ng kwarto ni Lyra tapos kinuha ko na yung ipad.

Nakita ko agad yung notif sa twitter na nagpa buhay sa dugo ko.

July

Abot langit ngiti ko. 

Ewan ko, ngayon ko lang 'to naramdaman. Di ko pa din sya ma-explain.

Tamang harutan nanaman kami, kung ano ano nanamang kalandian pinagsasasabi namin.

@autumn tweeted:
julsjuls, how are you?

@july tweeted:
Hey nobody calls me juls huh. Sounds weird huh HAHAHAHA

@autumn tweeted:
Masanay ka na, julsjuls! HAHAHA

@july tweeted:
It's July huh HAHA

@autumn tweeted:
Maarte pa you huh!

@july tweeted:
Sige, ikaw na bahala. Love love naman kita e kaya kahit ano, okay lang.

Para kong natutunaw na ewan. 

Mga simpleng salita, pero iba yung dating sa kanya. Iba talaga pag sa kanya.

Ewan ko ba! Basta ang alam ko gusto ko sya kausap, gusto ko din syang nakakasama. 

I want to keep you, July!

Walking in a Bad IdeaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon