April 14, 2016 - Thursday
Alas dose na ng madaling araw. Badtrip ako ngayon.
Nung mga nakaraang araw sobrang saya ko. Pero ngayon puro inis, irita, selos.
Ang childish ko. Nasa laro ako ngayon pero ang pinagkaiba, di ako pinapansin ni July tapos may iba syang kausap.
Guess what ang ginagawa ko? Pinaparinggan ko sya. Pero bakit ba ako nagpaparinig na akala mo may karapatan ako?
Pero gusto ko lang naman pansinin mo ko, July. Ayun lang naman eh. Nasasanay mo na kasi ako sa presensya mo. Wala naman akong gustong ibang gawin sa mag-hapon kundi kausapin ka.
Bakit ba kasi bigla nag-iba? Nag-sawa ka na ba? Hindi na ba ako masaya kausap?
Asang asa ako. Netong nakaraan lang nung may niretweet ako about sa pang-iiwan tapos nag reply ka dun, tapos sabi ko it's like you and everyone else. Tapos sabi mo na "Hala sabi mo lagi kang tama pero dun ka nagkakamali, di naman kita iniwan eh at hindi kita iiwan."
Hindi ko alam. Baka na-umay nung nag gagalit-galitan ako? Di ko naman intention, gusto ko lang... ano bang gusto ko? Gusto ko ng lambing? Ng atensyon? Gusto ko... ano ba?
Nagpapatuloy pa rin ako sa pagpaparinig kay July sa laro kasama mga friend namin sa laro, kasi lahat ng nasa room na yon nakikita yung chat ng lahat. Pero umay, di pa rin nya ako pinapansin.
Author's note: The following conversations are inside the game
Autumn: Bakit ganon mga lalaki, steph? Sa una lang magaling.
Steph: Di ko din alam, bakit paasa mga lalaki hays.
Autumn: Bakit gusto laging magpaikot? Di naman ikinaka cool 'yon.
July: Kinakain ko girlfriend ko eh, este yung baon nya hehehe
Girlfriend?
Ha...?
Nag-offline na ako at pinatay ang PC pagkatapos ko magpaalam sa mga tropa ko sa laro.
Pumasok na ako sa kwarto at sinubukang matulog pero di ako makatulog talaga.
Autumn, wag kang naive!
Sa internet mo lang nakilala yan tapos apat na araw palang kayong magkakilala. Ano bang ineexpect mo? Ano ba sa tingin mong makukuha mo sakanya? Akala mo ba parang sya yung mga napapanood mo sa movies? Yung tipong sa una playboy tas mababago mo dahil iba ka sa kanila? Gumising ka, autumn. Wala ka sa sinehan.
Chineck ko uli yung twitter ni July dahil di ako mapakali, baka may nasabi akong masakit o kaya baka may problema sya. Gusto kong malaman anong nangyare. Gusto ko syang kausapin, o tanungen.
Nung pagka-click ko sa account nya, nanigas agad yung daliri ko.
@july tweeted:
Ikaw kasi eh ang bilis mong umasa, parang hindi ka nadala.@july tweeted:
Walang personalan, landian lang.Habang nagscroscroll ako, nakita ko pa mga palitan nila ng tweet nung kaibigan nya na landian lang daw eh pinipilit daw seryosohan.
Nawalan ako ng gana mag online buong araw sa nakita ko. Nag-contemplate na din ako sa nangyari, at nilugar na din sarili ko.
Ano ba, Autumn. Ang babaw mo.
April 15, 2016 - Friday
Nagising ako ng 10 AM, wala na pala akong katabi.
May pasok pa kasi si Lyra, half day lang naman sya kasi parang summer class nalang sya so mamaya uuwi na 'yun.
BINABASA MO ANG
Walking in a Bad Idea
RomanceAutumn Eros, is someone who loves to read, write, and speak about love. Always burning with passion when it comes to romance, and relationships. Although, she has not experienced it before. On the other hand, Julian Leander Orquidea, called by his...