Chapter 17

33 3 0
                                    

April 21, 2017 - Friday

Bakasyon na! Grade 11 na ko sa pasukan. Kung walang K-12, 1st year college. Pero maluwag sa pakiramdam na may dagdag 2 years pa ko kasi di ko talaga alam gusto kong kunin.

Nag-apply ako ng work sa Laguna for students. Pasok naman din kasi ako sa age requirement gawa ng kaka-16 ko lang nung February. Special Program for Employment of Students tawag tapos sa munisipyo or baranggay mag-wowork.

Nung natanggap ako, pinayagan ako nila mama at papa tumira mag-isa sa bahay. Wala lang internet, at tsaka stock ng food. May binibigay lang saking allowance per week na 500 pesos. Pero grabe first time ko maging independent. Ako naglalaba ng uniform ko sa work, ako nagising mag-isa ko, nagluluto sa sarili ko, at naglilinis.

2 weeks na kong nag-wowork tapos sa baranggay ako na-assign and ka-close ko na lahat ng ka-work ko don na students din. 

Super refreshing lang kasi lahat friends ko, kaya excited ako pumasok palagi. 

May happy crush happy crush na din, pero kasi kamukha ni July tas parang ka-vibes din kasi tahimik tas nakikitawa lang pag may mga nag-jojoke, pa-misteryoso, kaya naging crush ko yon nung first three days pero nung nakausap ko and di naman nya ka-ugali si July, o kung paano mag-salita si July, nawala din interes ko.

Everyday pagpapasok ako, winawalktrip ko lang mula bahay namin pa-baranggay. Isang tricycle kasi papunta don, pero ang sarap maglakad habang nagpapatugtog ng music.

Tapos every lunch lahat kami nagwawalk trip papunta sa bahay ko, may kanya kanyang baon sila tapos tamang tambay lang kami don kasi may aircon sa sala kaya papalamig din. Walktrip din pabalik tapos pati pauwi nagwawalktrip kami sabay sabay kasi same subdivision lang naman kame eh.

"Autumn! Napanood mo na yung Strong Girl Do-Bong Soon?" excited na tanong ni Iza, beki kong bestie

"Di pa. May copy ka ba? Share it mo naman oh." paglalambing ko

Laging pag may same school ni July, lagi kong tinatanong if kakilala ba nila si July, para lang akong timang.

Dumating na yung nag-aattendance kaya pumila na kami para mag-out. Umuwi na kami at nag-walktrip ako mag-isa habang nagpapatugtog ng music pauwi ng bahay. Pagka-uwi ko, bumili lang ako ng barbeque inihaw sa tapat namin tapos nag-saing ako. Habang kumakain ako mag-isa, dumako nanaman sa isip ko si July.

@autuuumn tweeted:
I miss julsjuls

Malakas loob ko kasi naka-private naman account ko tapos naka-unfollow naman sya sakin. Biglaang nag-notif cp ko.

@Apollo tweeted:
@autuuumn @Juuuuuly owww miss ka na ni autumn

@Juuuuuly tweeted:
@autuuumn @Apollo bat di ko makita huh? miss mo na ko autumn?

Oo, sobra.

@Juuuuuly is requesting to follow you

Nasamid ako sa kinakain ko. 

Hoy!

In-accept ko dahil ayoko na magpabebe. Ibang tao na din ako sa nakilala nyang Autumn. Gusto ko den i-flex sakanya kung gano na ko nag-grow at kung gano na ko kalapit sa mundo nya. Nag-notif na nag-dm si July sakin.

July: hey hey you missed me?

I've been longing for you for almost a year kahit walang communication.

Autumn: sikret

July: owww nag-sesecret na

April 28, 2017 - Friday

Walking in a Bad IdeaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon