Chapter 8

46 6 1
                                    

May 9, 2016 - Monday

Close na kami nung mga nasa group chat, kasi everyday kwentuhan sa chat saka laro. Madami na din ako ka-chikahan sa PM. Tapos naging ka-close ko na din lahat ng girls sa group chat.

Na-kwento ko din kay Tin yung situationship namin ni July. Like yung gist nung how it started saka yung current situation namin na di ko pa din alam if may jowa pa ba si July or wala na tapos ano na ba lagay namin kasi nag-I love you na sya sakin.

9:23 PM nag-chat bigla si Tin sa messenger ko.

Tin: Autumn

Autumn: Yes bebe tin?

Tin: Nakausap ko na sya

Autumn: Sino?

Tin: Si july, nagalit ata sakin

Autumn: Kwento

Tin: Tinanong ko kasi kung may girlfriend

Tin: Ay hindi pala, tinanong ko pala kung single sya

Autumn: Hmm

Tin: Andami nyang satsat bago sabihin na oo o hindi sya single. Tapos sabi nya bakit daw, sabi ko may nahulog na kasi sayo, tapos sabi nya, "Si Autumn? Matagal ko ng alam yun." Tapos sabi ko pala, hindi ikaw yung nahulog, ibang tao.

Autumn: Tapos?

Tin: Tangina teh. Tinanong ko sya kung pinapaasa ka ba nya. Sagot nya, hindi daw, di ka daw nya pinapaasa.

Autumn: Eh ano?

Tin: Di ko alam, Autumn. Naguguluhan ako sa inyong dalawa.

Ang gulo mo, July. Pagkatapos mo maging sweet ng isang buong araw biglang naging cold ka ulit tapos di nanaman namamansen. Tapos ayaw mo din ako isama sa gc nyo. Tas ngayon di na tayo nagpapansinan kahit nasa iisang gc lang tayo.

Nag-chat si Tin sa gc na may kapangalan daw sya ganon, tas biniro sya ni Apollo ng suggestions na kung ano anong pangalan ang ipalit tapos nakikisakay din syempre si Althea.

Tin: Ang lungkot ko tuloy, turuan niyo naman ako maging masaya.

Julian: Palit na tayo ng undercut HAHAHA

Yung undercut kasi isa sa mga gamit sa laro na binibili ng totoong pera or trade ganon. Eh pareho silang may ganun, tas rare yung kay Tin.

Autumn: HAHAHAHA

Julian: Whoa Autumn, inis pa ren ako sayo

Autumn: Ay hello

Nag-usap usap ulit sila ng kung ano-ano. Napunta muna sa buhay ni Ate Ana, tapos ni Althea, tapos biglang nadadamay din syempre yung Aaron na di ko pa nakikilala. Tapos syempre mababastos bibig kaya madami din green jokes.

Nagka-ayaan maglaro kaya binuksan ko na yung laptop. Ang kasama ko sila Althea, Lou, at Alisa tapos pumunta kaming tambayan. Tamang trip lang kami saka tawanan.

Biglang may pumasok sa tambayan tas nung una kinakausap ako ng maayos tas biglang inaway ako kasi daw para daw akong asong sunod-sunuran lang kay July ganon. Nagtaka din ako pano nya nakilala si July eh.

Grabe mantrashtalk si Althea, si Lou at Alisa tamang banat lang din ng mga bars eh. Ako tamang tawa lang kasi imbis na ma-offend ako kinikilig ako sa mga 'to kasi pinag tatanggol ako.

Nag-chat sila sa gc na may nang-aaway sakin kaya nag open agad si July tapos nag-follow samin. 

Julian: Tara laro pre, walwal sila dito HAHAHA

Walking in a Bad IdeaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon