May 2, 2016 - Monday
Nag-bukas na ako ng laptop dahil last na chat sakin ni July nag lalaro daw sya, edi sama nalang ako sa kanya diba?
Pag bukas ko ng laro nakita ko online si July kaya finollow ko sya. Napunta ako sa pinoy tambayan. Ang daming tao, may mga tao na di ko kakilala pero kakilala ni July.
Buti nalang andun si Alisa, sya yung nagpakilala sakin sa kanila at di ako pinapansin ni July gawa ng ang kausap nya yung Apollo.
Edi tamang kulitan lang, tapos tinry ko mag feeling close din kay Apollo kasi mukhang tropa silang buo ni July. Syempre di lang si July dapat maimpress sakin, dapat lahat ng tao sa buhay nya. Pero nung nag hello apollo ako, sinabihan ba naman ako ng "sino ka?" imbis na makisakay kaya di ko na sya kinausap kasi napahiya ako sa harap pa ni July.
Bigla akong na-disconnect kaya nag-refresh ako tapos nung nag-load na ulit yung game, finollow ko ulit si July pero sila Alisa lang pumansin sakin saka si Lou.
(Author's note: The following conversations are inside the game.)
Tin entered the room
Tin: Hi mga papi
Apollo: Chix ka ba?
Tin: Syempre
Ilang oras na ang nakalipas. Nag-seselos ako. Di talaga ako pinapansin ni July buong nandon ako sa laro, tinatry ko intindihin kasi kasama nya yung Apollo. Pero walanya naman respeto naman, andito ko tas interesadong interesado si July dun kay Tin dahil kanina pa tanong ng tanong tapos small talks.
July: Meet up tayo
Tin: San ka ba?
Autumn: Out muna ako
Pag-aannounce ko sa lahat ng andon, nagsi-babye naman sila. Sinarado ko na yung laro tapos shinutdown yung laptop. Kinuha ko yung ipad tapos nakita ko yung notif ng twitter na nag-dm sya pero di ko pinansin.
Humiga ako tas natulog nalang gawa ng wala naman akong karapatang mag-selos, diba?
Hindi ko na nga maintindihan ano meron kami kasi nung nag-I love you sya sakin ng unang beses at naging sweet sakin. Iniisip ko wala na syang jowa tas ako na yung ipupursue nya.
Pero wala, nakakasanay na din na sobrang mainit tas lalamig tas iinit uli tas lalamig. Katamad na mag-expect, pero masakit pa din.
Gabi na nung magising ako. Nahimasmasan na ko ng selos at inis, napaltan na ng pagka-miss kaya chineck ko na yung DM ni July.
July: San ka? Bat ka nag-out?
Pero wala na syang dm after, wala din syempreng suyo, gugulat ako pag meron.
Kaya nag bukas nalang ako ng laptop tapos inopen ko na yung laro, nakita ko online pa din sya kaya nag-follow ako sa kanya.
Pagka-follow ko kay July, may kasama nanaman na babae, Althea yung name tapos silang dalawa lang nandun.
Aalis na sana ko uli at mag-mumukmok, pero biglang kinausap ako ni Althea tapos sobrang solid at bait pala nya. Ang dali lang nyang pakisamahan tapos ang kulet. Edi yun nung naging komportable na ko sakanya tamang daldal na kaming tatlo.
Sobrang dali lang makipag-usap sa kanya. Kaya ang dami agad namin napagkwentuhan, tapos tamang lokohan pa. Tapos nakwento nga nya na tropa nya sila July at Apollo ganon tapos kinukwento nya sakin mga pinag gagagawa nila, na pala-away daw talaga sila ganon. May isa pa daw kasama palagi si Apollo at July, trio daw sila tas mga bossing daw sa laro.
Edi tuwang tuwa ako, tapos nakiki-side comments din ako.
May 4, Wednesday
Madaling araw na pero nakikipag kwentuhan pa din ako kay Althea, tas tamang basa lang ata si July kasi di na nag-sasalita tas biglang nawala at na-disconnect ata.
BINABASA MO ANG
Walking in a Bad Idea
RomanceAutumn Eros, is someone who loves to read, write, and speak about love. Always burning with passion when it comes to romance, and relationships. Although, she has not experienced it before. On the other hand, Julian Leander Orquidea, called by his...