Chapter 4

72 9 2
                                        

April 22, 2016 - Friday

Buong araw wala ngang July na nagparamdam. Ginawa ko yung usual routine ko buong araw tapos umuwi na sila Lyra.

"Ate Autumn, kain tayo ihaw" pag aaya sakin ni Lyra

"G, libre ko" sabi ko naman

Pa-thank you ko man lang din kasi sa 2 weeks ko sa kanila dito, super sumaya talaga ko. Nagagawa ko yung mga bagay na hindi ko usually nagagawa.

"Palit lang ako" sabi ni Lyra at pumasok sa kwarto

Nag-paalam na ako kela Steph kasi sila yung ka-chat ko lang buong araw sa gc, tapos nasa kalagitnaan kami ng topic. Kaya nagbabye muna ako.

Paglabas ni Lyra ay naglakad na kami papunta don sa may tricyclean dahil andun yung ihawan. Masarap yung isaw nila at tsaka yung barbeque. Actually andon na sila since nung literal kids palang kami, dun kami madalas after church pag walang gathering o kaya pagka walang dumaan na taho.

"Lyra! Ate Autumn!" tawag samin ni Isabel

"Hoy! Isabeeel!" tili naman ni Lyra

"Hoy, mag-overnight ka naman don at malapit na ko umuwi" sabi ko habang pumipili ng bibilhin sa ihawan

Nilagay ko na sa tray ang mga isaw at barbeque, naglagay din si Isabel ng mga iiihaw din para sakanya.

"Tara ngayon!" pag aaya ni Lyra

"May exam ako bukas, bawal ka ba hanggang next week ate?" tanong nya habang hinahawi ang usok sa mukha nya

"Ate balikan namin, bili lang kami coke" pag iinform ko don sa tindera sa ihawan, tumango naman sya kaya naglakad na kami pa-tindahan na malapit lang din dito sa tricyclean.

"Nako girl, mirakulo na nga na pinayagan ako mag two weeks dito. Hihirit pa ba ko? Baka mawalan na ko ng uuwian" natatawang sabi ko

Pag dating namin sa tindahan bumili na ko ng coke habang nagkwekwentuhan sila Lyra at Isabel.

"Nag babasketball sila Kuya kasama sila Kuya Jace, andon din si Kuya Lyro ah?" sabi naman ni Isabel

"Hoy! Tara!" excited na sabi ni Lyra

"Kalma girlie!" natatawa kong sabi habang buhat buhat ang coke

Bumalik na kami sa ihawan pero patuloy pa din kaming inaaya ni Lyra sa court, malapit lang yon sa may bahay nila, sa kabilang kanto lang.

Kinuha na namin yung inihaw, binayadan ko na din yung kay Isabel dahil may binigay naman sakin sila mama na allowance tapos wala naman akong ginagastos dahil palamunin naman ako sa bahay nila Lyra.

"Ibaba muna natin 'to sa bahay nyo" sabi ko habang naglalakad na kami pa-bahay nila.

Literal na binaba lang namin sa table sa may receiving area tas nanakbo na kami palabas.

Pag dating namin don, naglalaro nga sila ng basketball pero may ilang lalaki din kaming hindi kilala.

Ang lakas talaga ng datingan pag nagbabasketball na mga lalaki 'no? Parang kikiligin ka kahit wala namang nakakakilig.

Todo tili si Lyra tas nagtutulakan naman kami ni Isabel

Nag-aya na ko umalis kasi di naman ako mahilig sa sports, lalo na sa basketball. Malay ko ba don. Eh gutom na din naman silang dalawa kaya binalikan na namin yung ihaw namin sa bahay.

Pag uwi namin direcho bukas agad yung tv tapos kain kami ng inihaw habang nanonood nanaman ng romantic movie, sinamahan pa ng coke. Sarap talaga!

Nasa kalagitnaan na kami ng palabas nung biglang nadinig na namin yung mga boses nila na nagtatawanan.

Walking in a Bad IdeaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon