"I will always have this impossible little hope that you'll suddenly wake up one day and realize we're meant to be together."
Jaz POV
"Nervous?"
Nagbaling ako ng tingin kay mommy Ara sa tabi ko ng magsalita siya.
Ngumiti ako ng tipid sa kanya. "A little." Composed na sagot ko though deep inside magsa-sommersault na yata yung bituka ko sa kaba, excitement... halo halo na.
"We're here." Anunsiyo ni mama Alex na siyang nagda-drive ng kotse, katabi si Taz sa may passenger's seat. Kami naman ni mommy dito sa likod.
"It's okay, Remooji." Hinawakan ni mommy yung nanlalamig na kamay ko. "Everything's gonna be fine." She smiled at me.
Huminga ako ng malalim saka ngumiti na sa kanya at tumango bilang pagsang-ayon.
Magkabilaang binuksan ni Taz at ni mama Alex ang pintuan sa backseat para sa amin ni mommy.
Inalalayan ako ni mama na bumaba at si Taz naman inalalayan si mommy dun sa kabila.
"Time flies too fast, my princess." Sabi ni mama sa akin at pinagmasdan ako ng makababa ako ng kotse. "You've turned into a beautiful young lady." Ang lamlam ng mga mata niyang nakatingin sa akin.
"Ma..." Mahinang tawag ko sa kanya.
Huminga siya ng malalim saka ngumiti sa akin. Akala ko ako lang ang kinakabahan, pati din naman pala si mama. Pero pilit lang niya iyon itinatago.
"I love you so much, baby girl. Don't ever think for a second I've loved you less." Saka niya ako niyakap ng mahigpit.
Gusto kong maiyak ng mga sandaling iyon pero pinigilan ko. Niyakap ko din ng mahigpit si mama. Nakangiting nakatanaw lang sa amin si Taz at si mommy.
"I love you too, mama." Ganting sabi ko na medyo nag-crack pa yung boses ko.
Kumalas na siya sa akin. "I know Chyler will be a good wife to you." Saad niya at mataman ko siyang pinagmasdan. "Kayang kaya ka niyang protektahan at alagaan. Kayang kaya ka din niyang ipagtanggol."
I know she's just doing what she thinks is best for me and for my future. Though I still don't understand why she wanted me to marry Chyler.
"Let's go." Singit ni mommy sa amin.
Inilahad ni mama Alex ang kanyang braso sa akin. Nakangiting ikinawit ko naman dun yung kamay ko at sabay sabay na kaming pumasok sa loob ng restaurant kung saan gaganapin yung simpleng kasal namin ni Chyler. Dito namin pinili para diretso na sa dinner after.
Nandun na pala sina tita Abby at tita Dani kasama ang pamilya nila. Nandun na rin sina Erick at ang magandang asawa niya at yung anak nila. Nakita ko na din si Chyler na kausap nung dalawa kong tita. Agad siyang tumayo ng makita kami at magalang na nag-excuse sa mga kausap.
Nakangiti ng tipid na nakipag-kamay siya kay mama at humalik naman sa pisngi ni mommy Ara. Ngumiti lang siya ng tipid kay Taz na tumango lang sa kanya.
"Hi." Bati niya sa akin.
She's wearing her uniform na parang tradisyon na yata ng mga pulis o sundalo na isuot kapag ikakasal sila. Me? I just wore a simple white little dress na si mommy pa ang nagbigay sa akin.
"Hello." Kinakabahan pa rin ako.
Tumingin si Chyler kay mama. "May I?" Inilahad ni Chyler yung braso niya para sa akin.
"Sure, Chyler." Tugon ni mama sa kanya saka siya tumingin sa akin na parang binibigyan niya ako ng permiso na sumama kay Chyler.
Tinanggal ko sa pagkakawit nung kamay ko sa braso ni mama Alex at hinawakan ko si Chyler sa braso. Nagtungo na kami sa kinaroroonan ng iba pa naming mga kasama at humalik ako sa mga tita ko. Niyakap din ako ni Hailey at Ashley.
BINABASA MO ANG
Montalban Cousins: New Generation Series - Jazmine
RomanceRemooji Jazmine "Jaz" Montalban is a socialite, happy go lucky, and a play girl. She keep on telling herself that she's not gay, and she's as straight as a ruler. But her cousins and her sister says otherwise. Pero mali pala siya, akala niya kaya n...