"Fact: We are perfect for each other."
Jaz POV
"Jazmine." Gising sa akin ni Chyler sabay marahan niya akong niyugyog sa balikat.
Nakatulog pala ako. Ang aga kasi naming bumiyahe papuntang Bicol. Si Kulitz iniwan namin kina mama. Tuwang tuwa naman si mommy dahil mahilig din siya sa aso. Simula kasi ng mawala na si Lexar, yung asong binigay sa kanya ni mama nun, hindi na siya ulit nag-alaga pa. Pakiramdam daw kasi niya para siyang nawalan ng anak ng mamatay si Lexar.
Nagmulat ako ng mga mata. Nasa Naga City Airport na pala kami. Mahigit isang oras din yung flight.
Lumabas na kami ng eroplano papunta sa may arrival area. Siya na ang nagdala ng mga gamit namin, nakasukbit sa balikat niya yung backpack at hila hila ng isang kamay niya yung maleta. Hindi kasi ako umaalis ng konti lang ang dala. Nakasukbit yung kamay ko sa braso niya habang naglalakad kami papunta sa may parking lot kung nasan yung kapatid niya na naghihintay sa amin.
"Hayun si Vince." Sabay nguso sa isang binatang nakasandal sa hood ng pulang pick up truck.
Naglakad na kami palapit sa kapatid niya. "Ate." Nakangiting bati niya kay Chyler at agad siya nitong niyakap.
"Vince, si Jazmine." Pakilala niya sa akin. "Jaz, si Vince kapatid ko."
"Hi." Sabay ngiting bati ko sa kanya.
Di namin malaman kung magkakamay ba kami, yayakapin ako o hahalik na lang sa pisngi. Hanggang sa bumagsak na nga sa yakapan na lang.
Tinulungan niya si Chyler na mailagay sa pick up truck yung mga gamit namin. Inalalayan ako ni Chyler sumakay sa backseat. Sasamahan daw niya si Vince sa harap.
"Kumusta ka naman dito?" Tanong ni Chy sa kapatid.
Busy naman ako sa pagtanaw sa labas ng bintana. Ang presko ng hangin dito sa Camarines Sur. Papunta kami ngayon sa bayan nila Chyler sa Pili. Mga less than thirty minutes din yata ang ibabiyahe namin pauwi sa bahay nila.
May mga bukirin kaming nadaanan papunta sa barangay nila. Ang dinig ko sa La Purisima yata sila.
"Dito na tayo." Narinig kong sabi ni Chyler.
Pumasok yung sasakyan sa loob ng malawak na bakuran na may malaking puno ng mangga sa bandang gilid ng two storey house na gawa sa semento at halatang luma na yung puting pintura nito. Malaki yung bahay nila Chyler dito sa Bicol. Malinis ang paligid ng bahay nila at may mga namumulaklak na orchids sa may mini garden nila. Halatang alaga ang mga iyon. Bumaba siya ng sasakyan at pinagbuksan ako.
"Chyler!" Napabaling ako ng tingin sa sumigaw.
Siya marahil ang tita Anet niya. Mga nasa mid fifties na siya. Mabilis itong lumapit kay Chyler at niyakap.
"Tita." Natutuwang sambit ni Chyler.
"Namiss kita anak!" Mangiyak ngiyak na sabi nito ng kumalas siya ng yakap sa kanya.
"Namiss din po kita." Nakangiting sabi ni Chyler. "Siya nga po pala, si Jazmine ho, asawa ko." Pakilala niya sa akin. "Tita Anet ko saka si tito Damian." Pakilala pa niya sa may katandaan at payat na lalaking lumapit sa amin.
"Hello po." Nakangiting bati ko sa kanila.
Napanganga si tita Anet sa akin. "Hay naku Chyler, bakit naman di mo sinabi sa akin na ke-gandang babae pala itong napangasawa mo!"
"Eh..." Saka nagkamot ng kilay si Chyler.
Niyakap ako ni tita Anet at medyo nabigla ako dun dahil bigla bigla na lang pero gumanti na din ako kapagkuwan.
BINABASA MO ANG
Montalban Cousins: New Generation Series - Jazmine
RomansaRemooji Jazmine "Jaz" Montalban is a socialite, happy go lucky, and a play girl. She keep on telling herself that she's not gay, and she's as straight as a ruler. But her cousins and her sister says otherwise. Pero mali pala siya, akala niya kaya n...