"If you dare, take my hand and take me to where your heart is. I want to feel what it's like to love like you."
Chyler POV
"Dun ka nga!" Taboy ko.
Natawa naman si Erick sa tabi ko. "Kanina ka pa niyan sinusundan."
Napatirik yung mga mata ko ng humakbang ako at sinundan na naman ako ng maliit na nilalang na ito. Kanina ko pa siya itinataboy simula yata ng dumating ako dito para imbestigahan yung nangyareng krimen dito sa isang pamilya. Nilooban saka pinagpapatay yung mga nakatira sa malaking bahay na ito.
"Bilib na ako sa karisma mo, Chyler." Tukso sa akin ni Erick. "Hindi lang pala mga bebot ang naghahabol sayo, pati pala aso!" Sabay tawa ng nakakaloko.
Oo, aso. Siya lang ang nakaligtas sa mga nakatira sa bahay na ito. Isang sable/white Shetland Sheepdog na mag-dadalawang taon pa lang yata base sa laki nito.
"Dun ka. Doon!" Sabay turo sa dog house pero ayaw niyang sumunod. Kumahol lang sa akin na para bang sinasabi niyang ayaw niya dun.
Kilala kasi ang mga Shetland Sheepdog sa pagiging loyal, active, malambing, matalino, pero reserved din sila paminsan minsan. Trainable ang mga katulad niyang aso. Madali lang turuan.
Iiling iling na lang akong nagpatuloy sa pag-iimbestiga habang nakasunod sa akin yung aso. Panay na din ang tukso sa akin ng mga kasamahan ko. Hanggang sa matapos na kaming mag-imbestiga at paalis na ako pero nakasunod pa rin siya sa akin.
"Pwede ba? Wag mo nga ako sundan?" Para naman akong baliw na nakikipag-usap sa kanya. Sumunod ulit nung tumalikod ako saka kumahol. "Ang kulit mo din eh 'no?"
"Dela Rosa!" Tawag sa akin ni chief.
"Sir?" Agad akong tumayo ng diretso.
Natatawa na din siya dahil sa pagsunod sunod sa akin nung aso. "Iuwi mo na lang muna. Kawawa naman."
"Pero sir..." Para namang alam nung aso yung pinag-uusapan namin at umungol na nagpapaawa.
"Sige na. Iuwi mo muna habang on going pa lang yung imbestigasyon. Wala din namang mag aalaga na diyan." Sabi ni chief at saka tumalikod na patungo sa sasakyan niya.
Napakamot ako ng kilay. "Kung mamalasin ka nga naman, oo." Bulong ko.
Tiningnan ko yung aso na nakaupo sa harapan ko. Ipinilig pa niya yung ulo niya saka ako tinitigan nakalabas yung dila niya.
"Halika na nga!" Yamot na aya ko sa kanya. Binuksan ko yung backseat ng kotse at agad siyang sumakay doon.
Pumasok na din ako sa loob saka pinaandar na yung sasakyan. Nagulat ako ng kumahol yung aso saka dinilaan ako sa pisngi.
"Yuck!" Sabay punas sa pisngi ko. "Okay na, okay na. Basta diyan ka lang, kulit!" Parang natuwa at kumakahol kahol at ang hyper niya sa likod.
Pagdating ko sa bahay, nakabukas yung front door. Ibig sabihin nasa loob na si Jazmine. Hindi kami masyado nag-uusap dahil yun sa pagpunta ko sa Bicol tapos sasama daw siya. Bukas na pala iyon.
Iginarahe ko muna yung sasakyan ko sa tabi ng sasakyan niyang napaayos na kaninang umaga. Ang gara ng sasakyan, pero ilang beses ko ng natiyempuhang nasira. Tsk!
Kahol ng kahol yung aso habang papasok kami sa loob ng bahay. "Wag ka maingay. Behave." Sabi ko at tumigil naman siya sa kakakahol.
"May narinig akong kumakahol." Pababa ng hagdan si Jazmine na nakapambahay na, halatang kadarating lang din niya galing sa school. "Oh!" Napatakip pa siya sa bibig ng makita yung kasama kong aso. "Ang cute!"
BINABASA MO ANG
Montalban Cousins: New Generation Series - Jazmine
RomansaRemooji Jazmine "Jaz" Montalban is a socialite, happy go lucky, and a play girl. She keep on telling herself that she's not gay, and she's as straight as a ruler. But her cousins and her sister says otherwise. Pero mali pala siya, akala niya kaya n...