"Your cute little smile and happy laughter attracted me to you, but your caring loving heart is the reason why I want to spend the rest of my life with you."
Jaz POV
Miyerkules ng umaga pinayagan na akong lumabas ng hospital ng free na ako from any infections.
"Narinig mo ang sabi nung doktor," Paalala sa akin ni Chyler ng makauwi na kami sa bahay namin.
It's good to be home. Saad ko at naupo sa gilid ng kama at inilibot ang mga mata ko da loob ng kuwarto.
"Jazmine nakikinig ka ba sa akin?" Tanong ni Chyler na nakapameywang na sa may tabi ng closet. Ibinabalik niya yung mga di nagamit na damit dun.
"May sinasabi ka ba?" Patay malisyang tanong ko sa kanya.
"Seryoso?" Sambit niya.
"Sorry, kasi naman na-miss ko 'tong bahay natin." Nakangiting sabi ko sa kanya saka tumayo ako at nilapitan siya. "Nakakamiss pala 'tong bahay natin?" Saka ko siya niyakap sa likuran.
She chuckles. "Para ka talagang bata." Naiiling na sabi niya na ipinagpatuloy ang ginagawa habang nakayakap pa din ako sa kanya.
"Chy?" Malambing na tawag ko at inamoy ko pa talaga yung damit niya.
"O?" Bigkas niya habang inaayos na yung mga damit sa closet saka iyon isinara.
"Parang gusto ko ng sinigang na baboy." Paglalambing ko.
"Ha?" Humarap na siya ng tuluyan sa akin.
"Ay hindi na pala nagbago na ang isip ko." I grin. "Gusto ko pala ng menudo."
"Sige ipagluluto kita ng menudo." Sabi niya.
"Ayoko na pala ng menudo." I'm making fun of her already. "I want kare-kare instead."
"Okay." Natatawang sabi niya. "Make up your mind first." Saka niya ako masuyong itinulak para makakalas sa yakap ko at iniligpit na yung bag na ginamit namin.
Papalabhan na lang daw niya yun kay Aling Esang. Yung weekly na nagpupunta dito sa bahay para mag general cleaning at maglaba.
"Nilagang baka na lang pala." Sabay ngisi ko sa kanya.
"Sa tingin ko naman hindi kita nabuntis 'no para maglihi ka?" Natatawang naiiling na sabi niya.
"Gusto mo na ba?" Malambing na tanong ko sa kanya saka niyakap siya ulit. Oo na ako na ang clingy. Masarap siyang yakapin eh tsaka di ko 'to nagagawa sa hospital dahil maya't maya may dumadalaw sa akin dun.
"Ang alin?" Hinawakan naman niya ako sa balakang saka ako tiningnan.
"Na magka-baby." Sabi ko.
"I don't think this is the right time for us to have a baby." Sagot niya. "Mag-aral ka muna. Makakapaghintay naman yun."
Ngumiti ako sa kanya. Yun din naman ang balak ko eh. Tatapusin ko muna yung pag-aaral ko bago yun. At masaya ako dahil iisa kami ng kaisipan ni Chyler.
"Sige na pahinga ka na muna dito sa kuwarto, magluluto lang ako ng nilagang baka mo." At tsaka masuyo niya akong itinulak sa kama.
"Eeeh." Reklamo ko sa kanya. "Puros higa na nga lang ang ginawa ko sa hospital tapos pati ba naman dito sa bahay? Samahan na lang kita sa baba."
"Baka nga mabinat ka." Paliwanag niya sa akin.
"Okay na ako. Magaling na ako." Nakalabing sabi ko. "Sige na."
"Jazmine wag ng matigas ang ulo." Saway niya sa akin at mas lalo kong hinabaan yung nguso ko. "Sige na nga. Samahan mo na ako sa kusina." Hinawakan niya ako sa kamay at naglakad na kami patungo sa pintuan. Nakangiti na ulit ako. "Samahan mo lang ako ha? Walang gagawa dito sa bahay, maliwanag?" Paalala pa niya sa akin bago kami tuluyang lumabas ng kuwarto.
BINABASA MO ANG
Montalban Cousins: New Generation Series - Jazmine
RomanceRemooji Jazmine "Jaz" Montalban is a socialite, happy go lucky, and a play girl. She keep on telling herself that she's not gay, and she's as straight as a ruler. But her cousins and her sister says otherwise. Pero mali pala siya, akala niya kaya n...