Chapter 31 The Crazy Little Thing Called?

32.2K 895 85
                                    

"My life is magical, wonderful and fantastical because you're in it. Let's work on making this a forever thing."


Chyler POV


Umiiyak na niyakap ako ng anak ng lalakeng hinihinilang binaril dito sa loob ng kanilang library.

"Wala na si Dad." Sabay singhot saka umiyak ng umiyak ang dalagang Fernandez.

Pilya namang ngumiti sa akin si Erick na nag-aassist sa mga kasamahan naming nag-iimbestiga sa nangyare.

"We'll do everything we can to find the killer." Alo ko na lang sa kanya.

"Salamat, detective." Saka mas lalo pang humigpit yung yakap niya sa akin.

Di ko naman malaman kung yayakap ako o ano. Hinimas ko na lang yung balikat niya in a friendly manner. Ayoko naman na bigla na lang siya itulak dahil nagluluksa siya.

"Chyler," Tawag sa akin ni John at lihim akong nagpasalamat sa kanya dahil may rason na ako para kumalas sa babaeng ito.

Lumapit ako kay John na nakatayo sa tabi ng bangkay ni Mr. Fernandez, isang business tycoon. Natagpuan siyang duguan at wala ng buhay dito kaninang umaga. Biyudo na ang mayamang matanda at may tatlong anak na babae. Yung dalawang anak niya yata nasa America at dun na naninirahan at ng natitira na lang ay yung bunso na siyang nakayakap sa akin ng sobrang higpit kanina.

Sinuot ko yung gloves ko para di ma-tampered yung ebidensya at kinuha sa kanya yung nakalagay na sa transparent na plastic na naka sealed na. Isa iyong basyo ng bala, mula sa isang .44 Magnum, Smith & Wesson Model 29.

Hindi ko alam pero parang may mali sa sitwasyon. Walang force entry. Wala din kaming ma-trace na ibang footprints sa carpeted floor dito sa loob ng kuwarto kung saan naganap ang krimen.

"May suspect ka na ba?" Tanong sa akin ni Erick ng nasa presinto na kami.

"Hindi ako kumbinsido na may pumatay kay Mr. Fernandez." Tugon ko sa kanya at naupo ako sa ibabaw ng lamesa niya.

"So anong ibig mong sabihin? Nagpakamatay siya?" Tanong niya.

Tumango ako. "May mali sa crime scene. Wala ibang footprints maliban kay Mr. Fernandez. Wala ding force entry."

"Pero ano naman ang motibo niya para kitlingin ang sariling buhay?" Puzzled na tanong ni Erick.

"Yan ang aalamin ko." Tugon ko sa kanya sa determinadong tono.

Nagpunta na ako sa lab para tingnan yung mga nalikom na mga ebidensya mula sa crime scene. Ang gumugulo lang sa akin, sa kaliwang sentido tumama yung bala. Hindi naman kaliwete si Mr. Fernandez. Wala ding indikasyon na nagpaputok siya ng baril.

Nasa malalim akong pag-iisip ng pumasok ako sa opisina ko. Nagulat pa ako ng makita ko si Jazmine dun at nakaupo sa swivel chair at may binabasang file.

"Anong ginagawa mo dito?" Kunot noong tanong ko sa kanya.

"I just missed you." Cool lang na sagot niya at saka ipinagpatuloy ang pagbuklat dun sa folder na hawak.

"Hey," Saway ko sa kanya at agad na kinuha sa mga kamay niya yung folder. "This is confidential." At itinago ko na yun sa may filing cabinet sa gilid.

"Wala na naman ba yung professor niyo kaya nandito ka?" Tanong ko. Naupo ako sa gilid ng lamesa saka nag cross arm.

"Meron." Patay malisyang sagot niya.

"Are you skipping classes?" Sermon ko sa kanya. "Jazmine, pwede ba seryosohin mo nga yang pag-aaral mo."

Montalban Cousins: New Generation Series - JazmineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon