Chapter 2 The Stalker

33.9K 979 130
                                    

"Nothing hurts more than realizing she meant everything to you and you meant nothing to her."

Chyler POV

"Maraming maraming salamat po PO2 Dela Rosa sa pagkakahanap mo po sa aming nag-iisang anak." Umiiyak na paulit ulit sa pagpapasalamat sa akin ni Mrs. Baltazar dito sa loob ng presinto dahil sa pagkakahanap ko sa kanilang ilang araw ng nawawalang anak.

"Wala pong anuman yun, ma'am. Ginagawa ko lang po yung trabaho ko." Magalang na sabi ko sa kanilang mag-asawa yakap yakap ang kanilang kinse anyos na anak na babae.

May iniabot siya sa akin na nakalagay sa isang sobre. Kahit na di ko yun nakikita, alam kong pera ang laman nun. May kaya kasi sila Mrs. Baltazar.

"Tanggapin mo 'to bilang pasasalamat naming mag-asawa sayo." Sabi niya sa akin.

"Ay hindi po ako tumatanggap ng ganyan." Tanggi ko at itinago ko pa sa likod yung dalawang kamay ko. "Bawal ho sa amin."

"Sige na hija." Kumbinsi sa akin ni Mr. Baltazar.

"Hindi po talaga puwede." Matigas na tanggi ko. Para na kasing suhol yun.

Hindi na nila iyon ipinilit pa sa akin. Natagpuan ko yung anak nila sa bahay ng boyfriend nito na hindi kilala ng kanyang mga magulang. Mula sa asset ko, si Mang Berting na isang maglalako ng kendi sa gilid ng kalsada, nalaman ko na lumayas ito dahil sa pagiging istrikto ng mga magulang.

Naiintindihan ko naman ang mag-asawang Baltazar dahil nag iisa nila siyang anak. Wag lang naman sa puntong nasasakal na yung anak nila sa sobrang pagka strict.

Ilang sandali pa'y umuwi na din ang mga ito kasama ang kanilang anak.

"Case solved." Nakahinga ng maluwag na sambit ko at saka tinatakan yung harap ng folder ng Case Solved at maingat na iyong inilagay sa filing cabinet sa likuran ng table ko.

"Dela Rosa." Tawag sa akin nung isa kong kasamahan sa presinto.

"O?" Takang tanong ko sa kanya.

"May naghahanap sayo." Sabay taas baba nung mga kilay niya sa akin. Saka siya sumenyas ng chicks.

"Sino?" Kunot-noong tanong ko dito.

"Hi!" Biglang sumulpot sa likuran niya yung matangkad na babaeng pamilyar sa akin. Yung tinulungan ko isang gabi. Ano na ba pangalan niya?

Lahat yata ng mga kasamahan kong pulis sa kanya na natuon ang atensyon at nakanganga pa, kulang na lang tumulo yung mga laway nila. Lalo na't ang sexy nito sa suot na dress na hanggang kalahating hita lang yata niya. Nagsusway sway pa yung balakang niya sa paglalakad. Para siyang modelo sa dating nito. May dala pa siyang box na di naman kalakihan.

"Anong ginagawa mo dito?" Pormal ang mukhang tanong ko sa kanya ng makalapit siya sa harap ng table ko.

"Miss upuan o." Tatlong pulis na kasamahan ko ang nagbigay sa kanya ng upuan.

Iiling iling akong napapalatak sa kanila. Parang ngayon lang sila nakakita ng bebot. Sabagay, ngayon lang naman kasi may dumalaw dito na kasing ganda, tangkad, at sexy ni... ano na nga ulit yung pangalan niya?

"Thank you." Malambing ang boses na sabi niya sa mga ito at umupo sa harap ng table ko. Ang ganda pa ng ngiti nito at parang model sa isang toothpaste commercial sa sobrang puti ng mga pantay pantay na ipin.

"W-walang anuman." Sabay na sabay pang sagot nung tatlo na halos lumuwa na ang mga mata sa kakatitig sa legs niya habang nakatayo sa likod lang nung babae.

Tiningnan ko naman silang tatlo ng may pagbabanta saka sinenyasang umalis na at bumalik sa kani-kanilang trabaho. Kakamot kamot naman silang umalis at bumalik sa kanilang mga lamesa pero nasa amin pa din yung atensyon nila.

Montalban Cousins: New Generation Series - JazmineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon