"Between us is one thread: it tied our hearts so we walk close to each other always."
Chyler POV
"Kumusta naman yung naging bakasyon niyo ni Jazmine sa Bicol?" Tanong sa akin ni Erick habang nagme-merienda kami dito lang sa malapit sa presinto, umaga ng Lunes. "At buti napauwi ka ng tita Anet mo dun?"
"Okay lang naman." Pigil ang ngiting sagot ko. "Masaya at nag-enjoy siya."
"Saan siya nag-enjoy?" Makahulugang tanong niya sa akin sabay taas baba nung kilay niya.
Sinipa ko yung paa niya sa ilalim ng lamesa. "Napakamalisyoso mo talaga." Sabay baling kay Pascual sa may kanan ko. "Baka ma-pollute mo yung inosenteng isipan ni Pascual." May himig panunuksong sabi ko.
"Hoo!" Kontra ni Erick at pinagtuunan na naman ng pansin si Pascual na tahimik lang. "Imposibleng inosente yang si totoy bibo sa mga ganyang bagay." Pinagdiskitahan na naman niya ito. "Umamin ka nga sa akin, Pascual." Sabay kalabit kay Pascual. "Virgin ka pa ba?"
"Gago ka talaga!" Natatawang tinampal ko sa braso si Erick.
Natatawa lang naman si Pascual. Buti na lang mahaba ang pisi niya dito kay Erick kahit pa palagi siyang pinagti-tripan nito.
"Tsk!" Palatak sa akin ni Erick. "Usapan nating mga lalake 'to!" Saad niya.
"Batukan kita diyan!" Sabay akma nung kamay ko.
"Malaki na yang si Pascual." Inakbayan pa niya si Pascual na ngingiti-ngiti lang. "Natuli ka na ba ha?"
Iiling iling akong nakatawa. Gago talaga si Erick! Wala na naman mapagtripan kaya ang kawawang Pascual na naman ang napagdiskitahan niya.
"Oo naman po sir." Game naman na sagot ni Pascual.
"Virgin ka pa ba?" Tahasang tanong ni Erick.
"Hindi na po sir." Natatawang sagot ni Pascual.
"Sigurado ka?" May follow up question pa 'tong kaibigan kong 'to.
"Ay oo naman po sir. Siguradong sigurado ako dun." Sabay ngising sagot naman nung isa.
"May girlfriend ka ba, Pascual?" Ako naman ang nagtanong sa kanya.
Nagkamot siya ng ulo. "Kakahiwalay lang ho namin, detective." Nakangiwing sagot niya.
"Hala, bakit?" Curious na tanong ko. May hitsura naman si Pascual halata ding mabait siya at responsible.
"Wala na daw ho akong panahon sa kanya eh simula ng natanggap ako sa trabaho." Medyo malungkot ang mukhang saad niya.
"Hindi mo ba dinadalaw pag wala kang duty?" Seryosong tanong ko.
"Dinadalaw ho detective kaya lang minsan hindi kasi may sakit ho yung tatay ko, ako na lang kasama sa bahay. Kaya kapag ganung may day off ako minsan, sinasamahan ko siya sa hospital." Malungkot na sagot ni Pascual.
Tinapik-tapik ni Erick yung balikat niya. "Okay lang yan." Seryoso ng saad niya saka inakbayan si Pascual. "Madami pa naman diyang ibang babae na mas nararapat sayo."
"At kailangan talaga, piliin mo yung makakaintindi sa trabaho mo. Dahil pagsisilbi sa bayan yung ginagawa natin." Dagdag ko.
Buti na lang si Jazmine di ko pa naringgan na nagreklamo dahil sa propesyon ko. Siya pa nga palagi ang naghahanda ng mga gamit ko sa pagpasok sa trabaho.
Ngayon ko lang na-realized na ang swerte swerte ko pala talaga sa kanya. Nakokonsensya tuloy ako sa tuwing di ko siya pinapansin kapag ganung nagtatampo siya sa akin.
BINABASA MO ANG
Montalban Cousins: New Generation Series - Jazmine
RomanceRemooji Jazmine "Jaz" Montalban is a socialite, happy go lucky, and a play girl. She keep on telling herself that she's not gay, and she's as straight as a ruler. But her cousins and her sister says otherwise. Pero mali pala siya, akala niya kaya n...