"I'd rather have bad times with you, than good times with someone else. I'd rather be beside you in a storm, than safe and warmth by myself... I'd rather have the one who holds my heart." --- I'd Rather
Chyler POV
"Peste namang bakal 'to." Palatak ko habang pawisan na akong naglalagari ng bakal.
Nagsilbi namang lookout yung dalawa kong kasama dito, si Erick at si Pascual yata apelyedo nitong baguhang kasama namin.
"Chy..." Kinakabahan pa ring sambit ni Jazmine na hanggang ngayon ay nagtatago pa din sa isa sa mga cubicle sa loob ng cr ng grocery store.
"Konti na lang." Sagot ko at hindi ko man lang nagawang punasan yung mga butil ng pawis na tumutulo sa noo ko.
Nang sa wakas ay bumigay na yung bakal na nilalagari ko. Nakahinga ako ng maluwag ng matanggal na yun. Inabot ko kay Pascual yung lagari at yung natanggal kong bakal.
"Papasok na ako." Sabi ko kay Erick.
"Tsk." Palatak niya. Alam niya kasing wala ng makakapigil sa akin. "Stubborn." Bulong niya. "Sige na nga. Sunod na din kami nitong si totoy bibo." Tukoy niya kay Pascual na hindi na lang komontra sa tinawag sa kanya ni Erick.
Maingat kong pinagkasya yung katawan ko sa bintana at unti-unting ipinasok yung mga paa ko dun. Medyo mataas yung bababaan ko kaya bago ako babagsak, mahigpit akong nakahawak sa magkabilaang side nung bintana at unti-unti akong bumitaw at yada! Nakababa na ako.
"Jazmine?" Nilabas ko yung baril ko saka kinasa iyon. "Jazmine dito na ako." Tawag ko sa kanya.
Binuksan ko yung unang cubicle na nadaanan ko, wala siya dun. Bahagyang bumukas yung pangatlo mula sa kinatatayuan ko hanggang sa tuluyan na nitong iniluwa si Jazmine.
"God!" Nakahingang bulalas ko at naramdaman ko yung bahagyang paghina ng mga tuhod ko ng makita ko siya.
"Chyler!" Hilam yung mukha niya ng luha at patakbo siyang yumakap sa akin.
"Ssshhh..." Bulong ko sa kanya habang yakap yakap siya ng mahigpit. "Nandito na ako. Wag ka ng matakot pa." Hinalik halikan ko ang buhok niya habang humihikbi siya. "Tahan na." Mas humigpit pa yung yakap niya sa akin.
Alertong kumalas ako sa kanya ng yakap ng may marinig akong mga yabag na papalapit.
"C-chy..." Kinakabahan at nanginginig pa ang boses na sambit ni Jazmine.
I hushed her using my index finger on my lips. Nagtungo ako sa likod ng pintong nakasara. Unti-unti iyong nagbukas at pumasok ang isang matabang lalake na nakatanggal ang bonete. Hindi niya ako nakita dahil naitago ako nung pintuan.
"Anong ginagawa mo dito?" Agad na sita niya kay Jazmine na tumingin lang sa kanya ng diretso, wala ng takot sa mga mata niya dahil kasama na niya ako.
Bago pa mahawakan nung lalake si Jazmine, pinukpok ko na yung ulo niya gamit nung baril ko. Hayun, bagsak... tulog. Agad ko na siyang pinusosan sa likod. Tamang tama naman na magkasunod na pumasok na sa may bintana sina Erick at si Pascual.
"Nasa western wing daw yung sa CCTV room nila." Balita sa akin ni Erick. "Naradyuhan ko na din yung mga kasama natin na nakapasok na tayo."
Nauna munang lumabas si Erick at naging lookout bago kami lumabas ng cr at tunguhin ang CCTV room nila para makita kung saan saan nakapwesto yung mga hold-upers slash hostage takers.
Magkakasunod kaming naglakad ng sobrang ingat habang nakayuko sa may hallway. Buti na lang malapit lang pala ang cr sa kung saan naroon ang cctv. Natakot pa yung lalaking taga bantay dun na akala siguro mga hold-upers din kami. Pare-pareho kasi kaming naka-black polo shirt nina Erick at ang nagsasabi lang na Pulis kami ay yung bullet proof vest na suot namin.
BINABASA MO ANG
Montalban Cousins: New Generation Series - Jazmine
RomanceRemooji Jazmine "Jaz" Montalban is a socialite, happy go lucky, and a play girl. She keep on telling herself that she's not gay, and she's as straight as a ruler. But her cousins and her sister says otherwise. Pero mali pala siya, akala niya kaya n...