"Sometimes I look at you and wonder how can you be so cute all the time."
Chyler POV
Ang init ng sinag ng araw na tumatagos mula sa bintana dito sa sala ang gumising sa akin kinabukasan. Nakatulog na naman pala ako dito sa sofa. Pinilit kung bumangon saka naghikab at nag unat ng mga kamay. Ngayon ko lang napansin yung sumasakit na likod ko. Nangawit siguro sa pagkakahiga ko dito sa sofa.
Dito na naman ba ako nakatulog kagabi? Sabi ko sa sarili ko.
Tumayo na ako at muli na namang naghikab. Antok na antok pa ako pero kailangan ko ng bumangon. Pupungas-pungas akong umakyat ng hagdan at halos nakapikit pa yung mga mata ko na nagtungo sa banyo sa loob ng kuwarto ko.
Kinuha ko yung toothbrush ko saka nilagyan iyon ng toothpaste. Nag-angat ako ng tingin sa may salamin at literal na nanlaki yung mga mata ko ng may makita ako dun na reflection ng isang magandang babae.
"Aah!" Gulat na bulalas ko saka nanlalaki ang mga matang pumihit ako paharap kay Jazmine na nakatapis lang ng tuwalya at halatang kakatapos lang maligo.
"Para ka namang nakakita ng multo?" Saad niya sabay irap sa akin.
"A-anong ginagawa mo dito?" Naguguluhang sambit ko. Paano siya nakapasok dito sa loob ng bahay?
"Eh ano pa ba ang ginagawa sa loob ng banyo? Nagsa-shopping? Nagba-badminton?" Pilosopong sambit niya at halata sa boses nito ang pagka-irita.
Hindi naman yun ang ibig kong sabihin. Gusto kong malaman kung anong ginagawa niya dito sa apartment ko ng ganito ---
Aw shit! Oo nga pala kinasal nga pala kami kagabi! Napapikit ako ng maisip ko yun. Parang ngayon pa lang nagsi-sink in sa akin lahat ng nangyare kagabi.
Napapalatak ako ng maalala kong asawa ko na pala siya. At yung eksena pang parang ganito din kagabi na nakatapis siya ng tuwalya, tumutulo pa yung buhok niya. Fresh na fresh yung itsura niya...
Napatitig ako sa kabuuan ni Jazmine. Ang hot naman niya tingnan sa tuwalya ko na nakatapis sa kanya. Ang puti at ang kinis ng balat niya. Literal pa na sinundan ng mga mata ko yung tubig na umagos sa kaliwang braso niya and I felt that urge to run my finger in her arm following that droplet of water that fell on the floor from her wet skin.
Tumaas yung kilay niya sa akin saka siya nameywang. Nilipat niya ang bigat ng kanyang katawan sa kanang paa at tinitigan ako na parang nanunuya.
See? I noticed everything.
Pinilig ko yung ulo ko at pilit ibinalik sa tamang wisyo ang utak ko.
"Do you like the view?" Tuya niya sa akin.
"Bakit kasi di ka marunong mag-lock?" Naisip ko na lang na sabihin at tinalikuran na siya.
"Bakit naman ako magla-lock?" Balik niyang tanong sa akin na animo'y yung sinabi ko isang kabaliwan.
Natigilan naman ako sa tanong niya saka agad na naman siyang hinarap. Magsasalita sana ako ng may pumasok sa isip ko.
Oo nga? Bakit naman siya magla-lock? Asawa ka naman na niya di ba?
Peste. Gusto ko sanang sagutin siya kaya lang baka kung ano pang masabi ko. Aga-aga pa naman.
"Magbihis ka na." Sabi ko na lang sa kanya. "Maya maya darating na yung truck na maghahakot ng mga gamit papunta sa lilipatan nating bahay."
Dumiretso siya ng tayo saka naglakad papalapit sa akin. Napalunok ako ng maamoy ko yung ginamit niyang sabon. Ang bango naman niya.
"I will never forget what you did to me, Chyler." Mataray na sabi niya sa akin.
BINABASA MO ANG
Montalban Cousins: New Generation Series - Jazmine
RomanceRemooji Jazmine "Jaz" Montalban is a socialite, happy go lucky, and a play girl. She keep on telling herself that she's not gay, and she's as straight as a ruler. But her cousins and her sister says otherwise. Pero mali pala siya, akala niya kaya n...