Chapter 29 First, I Hate You

30.4K 882 98
                                    

"When you truly care for someone, her mistake never change your feelings because it's the mind that gets angry but the heart still care."

Jaz POV

"Jazmine..."

Pangatlong tawag na yata sa akin yun ni Chyler pero di ko pa din siya nililingon. Kanina ko pa siya di kinakausap at di pinapansin.

Narinig ko ang malalim niyang buntong hininga. Lumapit siya sa kinatatayuan ko dito sa may balcony paharap sa likod bahay namin na malinis na at kita sa pamamagitan ng mga poste ng ilaw na dati ng nandun.

Hinawakan niya ako sa kaliwang balikat pero agad ko iwinaksi yung kamay niya at lumipat ng pwesto. Hindi ko din siya kinikibo kanina habang kumakain kami ng dinner. Nakasimangot pa din akong nakatalikod sa kanya.

"Sana naman intindihin mo yung trabaho ko." Dalawang beses ko na yung narinig simula ng dumating siya galing sa trabaho.

Magkasalubong yung kilay na hinarap ko siya. "Alam mong special ang araw na 'to para sa akin tapos yung dumaan ka man lang sana dun sa coffee shop di mo man lang nagawa?" Sumbat ko sa kanya.

"Hindi nga ako pwede basta basta na lang umalis dun sa crime scene kanina." Pangatlong paliwanag na rin niya 'to.

"Ang sabihin mo kahit kailan talaga hindi mo ako pinahalagahan." Sabay talikod ulit na sabi ko sa kanya.

"Jazmine, ano ba?!" Halata na yung nauubos ng pasensya niya sa kanyang tono.

"I hate you." Puno ng hinampong sabi ko sa kanya kahit pa nakatalikod ako.

"Hindi ko nga pwedeng iwan yung trabaho ko kanina, mahirap bang intindihin iyon?!" Medyo malakas na din yung boses niya.

Muli ko na naman siyang hinarap. "Eh di sana pagkatapos mo dun sa iniimbestigahan niyo ka nagpunta." Ganti ko. "Importante nga yun sa akin dahil opening ng unang negosyo naming magpipinsan. And I want to share it with you, Chyler. Mahirap din bang intindihin yun?"

Her jaw clenched as she gritted her teeth. Halatang nagpipigil lang siyang wag magalit sa akin ng tuluyan. Nakita ko yung galit sa mga mata niya pero agad niya iyon itinago sa akin at tumalikod.

"Chyler!" Tawag ko sa kanya pero di siya lumingon o sumagot man lang. "Hey, I'm still talking to you!" Inis na sigaw ko.

"Saka na tayo mag-usap kapag malawak na yang pag-iisip mo." Mahina ngunit madiing sabi niya.

"So what do you mean by that?" Mas lalo yata nag-init yung ulo ko sa kanya. "Na makitid ang utak ko?"

Hindi siya kumibo at naglakad na siya patungo sa kuwarto namin pero agad din siyang lumabas at suot na yung hinubad niya kaninang black leather jacket niya.

"And where do you think you're going?" I demanded.

"Magpapalamig." Halata ang pigil na galit sa boses niya at walang lingon likod na bumaba siya ng hagdan.

Humalukipkip ako saka sumandal sa railing. Hindi ko siya susundan. Siya ang may kasalanan sa akin. Nangako siyang sisipot siya kanina at hahabol sa pagbubukas namin sa shop pero tapos na ang maliit lang naman na programa't lahat, ni anino ni Chyler wala.

Importante sa akin iyon dahil isa iyong milestone sa buhay ko, at syempre sa kanya ko gusto yun ibahagi since siya ang asawa ko at mahal ko siya. Isa pa, she made a promise.

Mag-aalas onse na ng gabi pero di pa din siya umuuwi. Kahit naman galit ako sa kanya nag-aalala pa din ako. I tried to call her for so many times pero unattended yung cellphone niya. Natawagan ko na din si Erick pero di daw niya kasama.

Montalban Cousins: New Generation Series - JazmineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon