Chapter 14 I Don't Want Another Goodbye

26.1K 880 100
                                    

"I don't want someone to just be in my life, but someone who will actually stay in it, that way I won't have to worry about another goodbye." - Detective Chyler dela Rosa

Jaz POV

"Mang Toto, balikan mo na lang po ako dito maya-maya." Sabi ko sa guard/driver namin ng maihatid ako dito sa site ng pinapagawa naming coffee shop ng mga pinsan ko. "Tatawagan na lang po kita."

"Sige po ma'am Jazmine." Tugon naman niya sa akin.

Bumaba na ako ng kotse at nilibot ang paningin sa pinipinturahan ng building.

May ngiti sa labi ko habang nakamasid sa mga manggagawa. Ako lang ngayon ang nandito dahil busy lahat ng mga pinsan ko at pati na din si Taz.

Si Ash may practice ng volleyball, si Hailey kasama si Stef and God knows where they are right now, maybe sa bahay nila Stephanie. At si Taz naman, sinamahan ni mommy na magpasukat ng gown, yes gown, na isusuot niya sa debut niya two weeks from now.

Napapangiti pa din ako sa tuwing maaalala ko yung punishment namin ni Taz dahil sa pag-amin ko kay mama Alex na nagkunwari lang ako tungkol sa death threat sa akin. Well, technically, it wasn't my idea kaya nadamay si Taz.

Naaalala ko pa yung sinabi ni mama sa amin ni Taz...

"Ikaw, Taylor." Sabi ni mama kay Taylor ng nasa study room kaming lahat.

Katabi ko si Taz at nasa tabi naman ni mama si mommy Ara na kinakalma siya dahil sa galit niya sa ginawa naming magkapatid.

"Bilang parusa mo, babawasan ko ang allowance mo for two weeks, wala munang aalis ng hindi ako o mama mo ang kasama mo, walang gagamit ng kotse at kung papasok sa school, ihahatid kayo ng isa sa mga guard natin." Mahabang sabi ni mama sa nakatungo lang na si Taz. "At magsusuot ka ng gown sa birthday mo."

Gulat na napaangat ng tingin si Taz kay mama. Ako naman ay pinigilan kong wag matawa dun sa huling tinuran ni mama. Si Taz magsusuot ng gown? Tsk tsk tsk end of the world na ba?

"Ma!" Agad na protesta niya. "Ayoko magsuot ng gown! Alam mo naman yun eh." Reklamo ni Taz.

"Pag sinabi kong magsusuot ka ng gown, magsusuot ka Taylor Zandra." Matigas na sabi ni mama sa kanya. "Isa yan sa parusa mo sa kalokohang ginawa mo."

"Ma naman!" Mangiyak-ngiyak na reklamo niya. Mama Alex just gave her a warning look. Nagpapaawa namang tumingin si Taz kay mommy Ara. "Mommy?"

"Sundin mo na lang mama mo." Malumanay naman na sabi ni mommy sa kanya.

"At ikaw Remooji Jazmine, wag ka ngingiti ngiti diyan." Baling sa akin ni mama Alex. Biglang nawala yung ngiti ko at kinabahan ako sa kung anong magiging parusa ko. "Walang gagamit ng kotse ng hindi kasama ang isa sa mga guard natin, wala munang aalis ng bahay o pupunta sa bar to meet your friends or even your cousins." Yung night life lang sapat na yung kaparusahan sa akin eh. "At wala munang kakain ng lollipop."

Nanlaki yung mga mata ko kay mama sa huling sinabi niya. "Ma naman pati ba yung pagkain ko ng lollipop kasali sa parusa ko?"

Nakangiting nilabas ni Taz yung dila niya sa akin. Inirapan ko lang naman siya.

"Tama lang yun na parusa sayo dahil sa ginawa niyong magkapatid na kalokohan." Tugon naman ni mama.

"Mommy please?" Baling ko kay mommy. "Wag naman yun." Mangiyak-ngiyak na pakiusap ko.

Nagbaling naman si mommy kay mama. "Alex, pwede naman sigurong ---"

"Ara, wag mong kunsintihin yang dalawang batang yan ha?" Seryosong sabi ni mama sa kanya.

Montalban Cousins: New Generation Series - JazmineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon