"Sometimes it's hard to find words to tell you how much you mean to me. A lot of times, I don't say anything at all. But I hope someday you'll understand, having you is what I live for."
Chyler POV
Nagising ako sa maingay na tunog ng motor. Sa pagkakatanda ko naman hindi ganun ang tunog ng alarm clock ko.
"Peste, ang ingay ingay naman." Napakamot pa sa likod ng tengang sabi ko habang nakapikit pa.
Ang aga-aga ang ingay ingay ng kapitbahay. Ano bang pinaggagagawa nila?
Nagulat pa ako ng may parang bumagsak na puno malapit lang sa bahay. Napalikwas tuloy ako ng bangon. Wala na si Jazmine sa tabi ko. Bumaba ako ng kama at nagtungo sa may balcony kung saan ko naririnig yung ingay ng chainsaw.
"Shite." Nagugulat na sambit ko habang pinagmamasdan ang ilang mga kalalakihan sa likod bahay namin na nagdadamo, yung isa naman ang nagpuputol ng mga di naman gaano kalakihang mga puno dun.
Anong nangyayare?
Naguguluhang bumaba ako ng hagdan at hinanap si Jazmine. Nakatayo siya sa may bukas na pintuan papunta sa likod bahay at pinapanood yung mga naglilinis dun.
"Anong nangyayare dito?" Tanong ko sa kanya ng makalapit ako.
Mabilis siyang nag baling sa akin ng tingin saka ngumiti. "Good morning." Bati niya sabay halik sa kanang pisngi ko.
"Anong ginagawa nila dito?" Hindi ko pinansin yung pagbati niya.
"Naglilinis." Matter of fact na sagot niya. Tiningnan ko siya ng makahulugan. "Gusto ko lang kasi malinis na dito sa likod ng bahay. Balak ko kasing palagyan 'to ng swimming pool."
"Swimming pool?!" Manghang bulalas ko. "Wala akong maalalang may pinag-usapan tayong ganito, Jazmine."
"Oh!" Napatakip pa siya sa bibig na sabi niya. Ang arte lang ng reaksyon niya eh, soyal na sosyal. "I'm sorry." Saka kunwari pang pinalungkot yung mukha niya. Alam ko naman kasi kung alin ang genuin sa hindi. "So wala akong karapatang gumawa dito sa bahay."
Napatirik yung mga mata ko. "Wala akong sinasabing ganyan." Nakapeywang na sabi ko. "Ang sa akin lang naman sana pinag-uusapan muna natin bago ---"
"Eh di ganun na din yun." Parang bata naman 'to kung magtampo.
"Hindi nga pareho yun!" Di ko naiwasang magtaas ng boses.
Mas lalo pa tuloy humaba yung nguso niya. "Hindi mo pa nga ako binabati ng good morning nagagalit ka na agad sa akin." Suminghot pa eh wala namang luha.
Napabuga ako ng hangin. Mag-asawa ka nga naman oo ng kagaya niya.
"Oo na, oo na!" Sabay kampay nung mga kamay ko. "Pumapayag na ako."
Biglang nagliwanag yung mukha niya at automatic yung ngiti niya sa labi. See? Nag-iinarte lang po yung asawa ko para makuha niya yung gusto niya.
"Yung paglilinis lang nila ang pinapayagan ko ha?" Paalala ko sa kanya. "Yung sa swimming pool, pag-uusapan pa natin yun."
"Chyler naman eh di mo pa lubusin." Niyakap niya ako sa beywang. "Sige na kasi." Ungot pa niya sa akin.
"Jazmine ha, wag mo akong dinadaan daan sa mga paganyan ganyan mo." Saway ko sa kanya. "Tsaka wag mo ako abusuhin."
"Hmp." Narinig kong sambit niya pero pinatong naman niya yung baba niya sa balikat ko at tuluyan na akong niyakap.
BINABASA MO ANG
Montalban Cousins: New Generation Series - Jazmine
RomansaRemooji Jazmine "Jaz" Montalban is a socialite, happy go lucky, and a play girl. She keep on telling herself that she's not gay, and she's as straight as a ruler. But her cousins and her sister says otherwise. Pero mali pala siya, akala niya kaya n...