"The best way to get to a woman's heart... is to give her yours."
Chyler POV
Pasipol sipol pa ako habang naglalakad papasok sa presinto. Yung lakad ko para nang sumasayaw sayaw. Masaya ako ngayon eh.
It's going to be a great day! Yahoo!!!
"Gandang umaga!" Masiglang bati ko sa mga kasamahan ko.
"Magandang umaga din, dela Rosa!" Bati din nila sa akin.
"Uy!" Nakangising sambit ni Erick ng makita ako. "Mukhang maganda ang gising natin ngayon ah?" Puna niya sa akih habang paupo ako sa likod ng lamesa ko.
"Tsk. Syempre naman!" Mayabang pang sabi ko.
"Chikababe ba dahilan niyan?" Malisyosong hula niya saka tinaas baba pa yung mga kilay sa akin.
"Sira ulo!" Natatawa namang saway ko. Pwede rin. "Bukod sa natakasan ko si Jazmine nung isang araw, hindi din niya ako kinulit buong maghapon kahapon." Masayang balita ko.
Mukha namang nalungkot si Erick. "Ay sumuko na ang aking prinsesa?"
"Ay sana nga!" Sabi ko saka binuklat na yung folder ng kaso nung isang pulis daw umano na nagpaputok ng baril at may aksidenteng natamaang residente dito din lang sa San Ramon.
Pumalatak si Erick saka umiling iling. "Wala ka na talagang pag-asa, Chy. Tatandang dalaga ka na!"
"Wag ka nga diyan!" Saway ko sa kanya.
"Sabagay, hindi ka naman mamamatay na dakilang birhen." Dagdag pa niya na nagpatawa sa akin. "Buti na lang kahit papaano natikman mo ang sarap ng luto ng Diyos." Idiniin pa talaga yung word na sarap.
Kumuha ako ng paper clip at saka bintao siya sa ilong. Sapol! Sharp shooter yata 'to!
"Patingin ka nga sa Psychiatrist ng opisina Erick, baka may tama ka na sa pag-iisip." Ganting biro ko naman sa kanya.
"Sayang talaga si Jazmine. Kung malaki na sana si Jimboy ipagkakasundo ko siya kay Jazmine." Sabi niya.
Napapangiting iiling iling na lang ako sa kanya. Gustong gusto niya talaga si Jazmine para sa akin. Boto daw siya kung si Jazmine ang mapapangasawa ko.
Agad kaming tumayo at sumaludo kay chief ng dumating siya sa opisina. Sumaludo din siya sa amin bilang sagot.
"Dela Rosa," Tawag niya sa akin ng saglit siyang tumigil sa table ko.
"Chief." Agad naman akong tumayo ng diretso.
"Sumunod ka sa opisina ko." Maawtoridad na sabi niya at saka pumasok na sa opisina niya.
Nagtataka namang nagkatinginan kaming mga nandun. Iilan lang naman ang dahilan kung bakit ka kakausapin sa loob ng opisina ni chief. Either, may bago kang misyon at isa iyong high profiled case, suspende ka sa trabaho o tanggal ka na sa serbisyo.
Napalunok ako habang naglalakad papunta sa may pintuan ni chief. Sa totoo lang, minsan lang ako nakapasok sa opisina niya. Nung bago pa lang ako dito. Kung may bago man akong misyon, sa may conference ko yun nalalaman dahil lahat kaming involved, pinapatawag na lang dun.
Huminga muna ako ng malalim. Sa pagkakaalam ko wala naman akong nagawang katiwalian at labag sa propesyon ko bilang isang pulis, kaya malabo naman sigurong masususpende ako o matatanggal na sa serbisyo.
Kumatok muna ako at nang marinig ko yung come in ni chief, maingat kong pinihit yung door knob at saka pumasok.
"Sir." Sumaludo ulit ako sa harap niya.
BINABASA MO ANG
Montalban Cousins: New Generation Series - Jazmine
RomanceRemooji Jazmine "Jaz" Montalban is a socialite, happy go lucky, and a play girl. She keep on telling herself that she's not gay, and she's as straight as a ruler. But her cousins and her sister says otherwise. Pero mali pala siya, akala niya kaya n...