"I want someone who is afraid of losing me. Someone who will get jealous and a little selfish to share me with others. I want someone who is clingy sometimes. Someone who will whisper to my ears and say, hey, you're mine."
Chyler POV
Simula ng pumayag si Jazmine pakasal sa akin, tatlong araw na ang nakakalipas, gabi-gabi ko na siyang dinadalaw sa bahay nila para pag-usapan ang mga dapat pang pag-usapan lalo na yung tungkol sa kasal namin.
Isang simpleng kasalan lang naman ang magaganap, na agad namang pinayagan ni Alexandra. At bukas na nga ng hapon yung kasal namin sa harap ng judge na lolo nila Jazmine. Invited ang kanyang mga tita, kasama na din ang kanyang mga pinsan.
On my part? Wala namang makakarating sa kanila though sinabihan ko na sila tita sa Bicol. Nandun na din kasi si Vince. Okay lang naman at sinabi kong sa proper wedding na lang sila magpunta kung sakali man.
Pero at least, kasama sina Erick at yung mag ina niya. Sila na din kasi ang pamilya ko dito sa Makati.
"Ide-deposito ko na lang sa account mo sa bangko yung pinagbentahan ng lupa mo dito sa Bicol." Aniya ni Tita Anet sa akin sa kabilang linya ng tinawagan ko siya.
"Sige po, tita." Tugon ko naman sa kanya.
Pinabenta ko na kasi yung namana kong lupa dun sa Bicol para may pandagdag ako sa pambili ng kahit simpleng bahay lang para sa amin ni Jazmine. Nakakahiya naman kasi sa kanya kung sa apartment ko siya ititira.
Actually, yung lupa kong iyon sa Bicol ay pagpapatuyaan ko sana noon ng bahay namin ni Ann, at yung iba naman ay ipapasaka ko sana. Pero wala na eh. Isa pa, nandito na din naman sa Makati yung trabaho ko. May namana din namang lupa si Vince mula sa mga magulang namin. Yung family house namin dun, naiwan sa aming magkapatid. Pero since nandun si Vince, siya ngayon ang nakatira dun.
Kahit papaano naman ay may naiwan sa aming mga ari-arian ng yumao naming mga magulang. May kaya din naman kasi ang pamilya ng aking ama na nag-iisang anak lang.
"Pasensya ka na anak kung di ako makabiyahe ha?" Hingi ng paumanhin ni tita. "Naging sakitin na kasi ang tiyuhin mo simula ng maaksidente."
Tukoy nito kay tito Damian na naaksidente nun sa sinasakyang pick up truck. Nabali yung tuhod niya at hanggang ngayon nga ay di pa maayos maglakad hanggang sa naging masakitin na ito simula nun.
"Okay lang po yun, tita." Sagot ko naman sa kanya. Si tita Anet na ang nagsilbing pangalawang ina namin.
Nakakatandang kapatid siya ng aking ina at walang anak kaya naman magaan ang loob niya sa amin at itinuring kami ni Vince na parang tunay na anak.
"Uwi ka din minsan dito at dalhin mo yung asawa mo para makilala din namin ha?" Saad niya.
"Sige po, tita. Mamamasyal kami diyan kapag nakahanap ng pagkakataon." Tugon ko sa kanya.
Hindi pa ako nauuwi dun limang taon na ang nakakalipas... simula nung nagpakasal na sa iba si Ann.
Ilang saglit pa kaming nagkausap ni tita bago kami masayang nagpaalam na sa isa't isa. Tamang tama naman na kakalabas lang ni Jazmine sa university.
"Kanina ka pa ba diyan?" Tanong niya sa akin.
"Di naman." Sagot ko sa kanya.
Pero sa totoo lang, fifteen minutes na akong nandito. Magha-house hunting kasi kaming dalawa. Maaga naman natapos yung panghapong klase niya kaya sinamantala na namin yung pagkakataon para maghanap ng bahay na titirhan namin pagkatapos ng kasal.
"Let's go?" Aya niya sa akin.
Tumango ako sa kanya saka siya pinagbuksan ng pinto ng kotse ko since grounded pa rin siya at di pa siya pwedeng gumamit ng kotse niya.
BINABASA MO ANG
Montalban Cousins: New Generation Series - Jazmine
Storie d'amoreRemooji Jazmine "Jaz" Montalban is a socialite, happy go lucky, and a play girl. She keep on telling herself that she's not gay, and she's as straight as a ruler. But her cousins and her sister says otherwise. Pero mali pala siya, akala niya kaya n...