"Maybe I'm too late to be your first. But right now, I'm preparing myself to be your last."
Jaz POV
Busy ako sa pagbe-bake ng cookies na ibibigay ko sana kay Chyler, umaga ng Sabado. Mahilig kasi ako magbake. And naisipan kong dalhan siya mamya sa presinto ng merienda.
"RJ!"
Bigla akong napalingon sa boses lalake na iyon. Iisang tao lang naman ang tumatawag sa akin ng ganun.
"David!" Masayang sambit ko saka tumakbo para yakapin siya.
Tuwang tuwa naman na niyakap niya ako ng mahigpit saka isinayaw pa in the air.
"I miss you princess!" Sabi niya saka ako ibinaba pero yakap pa din niya ako sa beywang.
"I miss you too." Sambit ko naman.
Wala pa rin kupas ang kaguwapuhang taglay niya. Ang tangkad din niya sa height na 6'3". Varsity player nga siya sa larong basketball sa kasalukuyang university na pinapasukan niya sa Oklahoma City. Anak siya ni tita Sofia, yung isa sa mga bestfriends ni mommy noong college. Kababata ko siya, para ko na siyang kapatid.
"How are you?" Nagniningning ang mga mata nitong nakatitig sa mukha ko.
"I'm good." Masiglang sagot ko sa kanya at kumalas na ako sa yakap niya.
Iginaya ko siya sa may maliit na lamesa sa may bandang gilid at sinenyasan yung kasambahay na bigyan kami ng inumin.
"Kailan ka pa dumating?" Tanong ko sa kanya.
Ngumiti siya sa akin. "Kahapon lang." Sumulyap siya sa may center island at tiningnan yung ginagawa ko dun. "Mukhang nagbe-bake ka na naman."
"Ay oo kuya David!" Si Taylor ang sumagot sa kanya na kakapasok lang sa kusina at nagtungo dun sa ginagawa ko. "May pinagbe-bake siya eh." Makahulugang sabi niya kay David saka kumuha ng luto ng cookies.
Agad naman akong tumayo para sawayin siya. "Taz!" Sabay agaw sa tray kung saan nakalagay yung mga gawa ko ng cookies. "Hindi ito para sayo ha?!"
"Para tinikman ko lang eh." Tugon niya sa akin.
"Para kanino naman yan?" Curious na tanong ni David at tumayo pa talaga.
"Para sa nililig---"
"Ah wala!" Nakangising sabi ko habang tinakpan ko ng cookies yung bunganga ni Taylor.
"Ate, ano ba?!" Reklamo sa akin ni Taz.
"Tumahimik ka!" Pinandilatan ko siya ng mata.
"You have boyfriend already?" Tanong sa akin ni David.
All he knows is I'm straight and that there's ni chance that I will fall to a girl. But I did... I mean, I like Chyler not yet love though.
Umiling ako sa kanya. "No, I don't have."
"Pero malapit na siyang magka-girlfriend." Sabad na naman ni Taz.
Asar na tinapunan ko na siya ng tingin pero bago pa ako nakapagsalita laban sa kanya, dumakot siya ng cookies saka mabilis na lumabas ng kusina.
"She's so cute." Natatawang sambit ni David sa tabi ko habang nakasandal siya sa may center table.
"No." Agad na kontra ko sa kanya. "She's annoying."
"Wala pa rin kayong ipinagbagong dalawa." Iiling iling na saad niya. "Mahilig pa din kayong mag-asaran. But the good thing is, wala naman sa inyo ang pikon."
BINABASA MO ANG
Montalban Cousins: New Generation Series - Jazmine
RomanceRemooji Jazmine "Jaz" Montalban is a socialite, happy go lucky, and a play girl. She keep on telling herself that she's not gay, and she's as straight as a ruler. But her cousins and her sister says otherwise. Pero mali pala siya, akala niya kaya n...