Hit 3

3K 43 14
                                    

Kasalukuyan akong nakaupo sa isa sa mga waiting bench dito sa Gate 18 ng NAIA. Unfortunately, my flight to Davao will be delayed for an hour. I looked at my watch. Mahigit tatlumpong minuto na pala akong nakaupo dito. Konti nalang, Janine.

I took out my phone and search for songs. Mabuti pang makinig muna ng mga kanta habang naghihintay. Nakita ko ang isang folder na nahalo sa mga files na nasa MyMusic folder ko. 

The folder's name is 'Xoxo'.

What the fvck?

Eto talaga ang title. Tunog-malaswa. Hahaha. Baka naglalaman 'to ng mga SPG videos o mga viruses.

But because of my curiosity, I opened it. Iniexpect ko na videos ang laman nito o kaya isang bagay na makakapagpaguho ng mundo ko. Hahaha. 'Yun pala, mga kanta lang ang laman nito.

Ako'y Babalik - Callalily

Already Gone - Kelly Clarkson

Come Back To Me - David Cook

Don't Forget - Demi Lovato

Get Back - Demi Lovato

Home - Daughtry

The Man Who Can't Be Moved - The Script

These are some of the songs in the 'Xoxo' folder. Seriously?! Ako ba ang pinapatamaan ng mga kantang 'to? Sinadya ata 'tong ilagay dito, e. At may hinala ako kung sino ang naglagay ng mga kantang 'to dito.

I scanned again for songs na hindi tungkol sa pagbabalik - which is impossible. Dahil kung hindi tungkol sa pagbabalik ang mga kanta, tungkol naman sa pang-iiwan at regrets. Argh! Kaya imbes na kanta ang nahanap ko, isang note ang nakita ko.

"Read at your own risk."

Iyan ang title ng note. Kinabahan tuloy ako. May sikreto ba akong hindi alam? At ito ang sagot na matagal ko ng hinahanap? Teka, ano nga bang hinahanap ko?

I opened it.

"Hi Sis! 

Kinabahan ka no? Hahaha. Sorry if I make kalikot on your phone. And never mind the songs, 'yan lang kasi ang tinanggap ng phone mo. 'Wag papaaffect sa kanta, ha? Hahaha. Peace, Janine! Anyway, you take care and remember. . . Fighting! K? At, kung bumalik man siya, e di bumalik siya. Hahaha. Tawagan mo 'ko, ha? Ingat ulit!

Xoxo,

Ayen."

I knew it! Si Ayen talaga, o. Imposible naman sigurong 'yan lang ang mga kantang pwedeng tanggapin ng phone ko. Ano 'tong phone ko? Namimili ng songs? May discrimination yatang nagaganap sa phone ko. Lol. Pero natouch naman ako sa paalala ni Ayen. Fighting talaga? 

I told her about the reason why I'm a bit hesitant in going home kahit miss na miss ko na si Granny. Nakwento ko narin naman sa kanya ang tungkol dun pero hindi ko sinabi kung sino. Baka matuwa pa siya kapag nalaman niya kung sino ang lalaking pinipilit kong kalimutan. Baka nga magpaparty pa siya. Hahaha. Namimiss ko tuloy ang bruhang 'yun. Hayy.

The Heart Hitter (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon