"I gotta go, Jane. I already send you the email regarding sa mga new buyer. As well as the documents needed for the Macau export. At eto na 'yung mga pinapirmahan mo sa'kin kanina." Paalala ko kay Jane, ang bago kong secretary since ayaw na ni Cliff na patrabahuhin si Lei. But I doubt it. Babalik din 'yun si Lei sa pagtatrabaho.
Tumango si Jane at kinuha ang iniabot ko na mga files. "Yes, Miss Belle. Ingat sa pag-uwi."
Nagpasalamat ako sa kaniya saka umalis. Binati ako ng mga empleyado na naghahanda na rin para umuwi. Nakita ko ang driver ko na si Mang Ben na naghihintay sa harap ng sasakyan. How I wish it was Julian.
Ngumiti ako kay Mang Ben at pinagbuksan ako ng pinto ng kotse. Fifteen minutes later, nakarating na kami ng bahay. Kaagad akong pumasok ng kwarto at nagbihis. Pagkatapos ay pasalampak na dumapa sa kama. Ini-start up ko ang laptop na nasa harap ko. Dalawang buwan na simula ng umalis si Julian para asikasuhin ang ginagawang HSL building sa Manila at dahil narin sa pagdagsa ng mga kumpanyang gustong maging shipment partner ng Shipping Lines nila dito sa bansa. Hindi rin naman pwedeng si Gav lang ang umasikaso ng lahat lalo na't hindi pa niya masyadong alam ang mga bagay-bagay tungkol sa kanilang negosyo.
Julian left right after Cliff and Lei's wedding. Kaya every night, nagvi-video chat kami or tatawag siya sa'kin hanggang sa makatulugan ko nalang na hawak ang phone ko. Though, he always made sure that he'll come home every weekend. Ayoko sana kasi siya ang maha-hassle, pero sadyang mapilit talaga ang Julian na 'yun. Pero two weekends na siyang hindi nakakauwi dahil malapit narin kasing matapos ang ginagawang building.
Ang lungkot ng mukha niya nang sinabi niyang hindi siya makakauwi. Parehong-pareho ang itsura niya nang umalis siya patungong Manila. Napangiti tuloy ako nang maalala ang araw na 'yun.
"Huwag nalang kaya ako pumuntang Manila? Just say no and I will not go." Sabi sa'kin ni Julian.
Nakahilig ako sa balikat niya habang nakaakbay siya sa'kin at hawak ang isa kong kamay. Nasa Davao International Airport Gate 16 kami at naghihintay na tawagin ang flight niya na na-delay ng isang oras. Pinayagan akong pumasok ng airport dahil narin sa impluwensya ng mga pamilya namin ni Julian pero dumaan din ako sa mga security standards ng airport.
"Para namang sa kabilang panig ng mundo ka pupunta. E sa Manila lang naman. At isa pa, you have responsibilities in HSL and we talked about it already. Pagkatapos naman nito, araw-araw muna akong makakasama. Baka nga magsawa ka na sa'kin dahil lagi mo na akong kasama." Sabi ko. Nakakalungkot isipin na magsasawa sa'kin si Julian. Parang ang hirap tanggapin.
"Ako? Magsasawa sa'yo? Hindi. No. That will never gonna happen." Mababakas ang assurance sa boses niya at napangiti ako dahil dito.
"Kinilig ka, prinsesa ko? At umuulan na naman ba ng mga puso?" Bumaba ang kamay niya sa bewang ko at pinipisil-pisil ito.
"Hindi naman umuulan ng puso... Bumabaha lang." Sabi ko na pilit kumakawala sa pagkakaakbay niya. Nakikiliti ako sa ginagawa niya sa bewang ko. Pinahilig niya ulit ako sa balikat niya at ibinalik narin ang kamay niya sa pagkakalapat sa braso ko.
BINABASA MO ANG
The Heart Hitter (Completed)
General FictionThe Heart Hitter - 'yan ang bansag kay Julian Drew Hernandez. Marami ng mga babae ang tinamaan sa kaniya at marami rin ang handang magpapana sa kaniya. Pero wala ni isa sa mga babaeng iyon ang nais niyang panain ng kaniyang pag-ibig. Kaya sa kanyang...