"Good morning, Granny. ." I kissed her cheeks. Then I did the same with Ayen. ". . Good morning, GM!"
Kumuha ako ng isang toasted bread sa mesa. "Mukhang magkasundung-magkasundo na kayo ni Granny, ah?" Tanong ko kay Ayen.
Si Granny ang sumagot. "Of course, hija. Magkasingkulit kasi kayo. And in fact, she introduces me to this game, uh. . What do you call it nga, Ayen?"
"Candy Crush po, Granny." Nakangiting sagot ni Ayen.
"Ahh. . Iyon nga. Nakakatuwa pala ang larong 'yun." Sabi ni Granny. Uh-oh, I think, she'll have a new addiction again. 'Tapos, ikukwento din niya 'to kay Mamita.
"Since, both of you are having fun. Alis muna ako. Punta lang ho ako ng palengke, Granny." Inubos ko muna ang isang baso ng gatas at ang toasted bread saka humalik ulit kay Granny.
"Kaya naman pala. . ." Makahulugang sabi ni Granny saka tumingin kay Ayen.
"Kaya naman po pala ano?" Tanong ko.
"Kaya pala ano. . Kaya pala mukhang nagmamadali ka." Si Ayen na ang sumagot.
"Ahh. . Okay. Sige, alis na ako, Granny. Ayen, maya nalang kita ito-tour pagbalik ko."
I hurriedly went out. The earlier, the better. Kapag mas maaga kang namalengke, mas sariwa. That's what I learned from my Mom. Lagi niya akong sinasama kapag pumupunta siya sa palengke. Naaalala ko parin kahit siyam na taong gulang pa ako noon. Namiss ko bigla si Mom at si Dad.
Good vibes lang, Belle! Erase, erase, those sad thoughts.
Napatigil ako sa paglapit sa kotse nang mapansin ko ang isang Morning Demigod na nakasandal dito. Lumingon siya sakin at bumati.
"Good morning, MY princess." Nakangiti ng bati niya. Sino pa nga ba? E di si Julian. Pinagdiinan talaga niya ang salitang 'my'. Akala naman niya, pag-aari niya ako.
"Get in." Binuksan niya ang pinto ng kotse.
"T-teka lang. Akala ko, hindi ka sasama?" Nakakunot-noo kong tanong sa kanya.
"Hindi ko sinabing 'di ako sasama." Sagot niya.
"Pero sabi mo --"
"It was just a suggestion. Mas mabuti kung iba nalang ang mamalengke. Ayokong dagsain ka ng mga lalaki dun. Pero para sa'yo, hahayaan kitang pumunta pero kasama ako. So. . get in. Aabutin tayo ng tanghali." At nakita ko narin ulit ang sexy smile niya. Good mood yata ang loko.
"Fine." Nasabi ko nalang. Pero sa tiyan ko, nagfi-fiesta na ang mga paru-paro.
Pero ako, dadagsain? Ano ako, mall na may midnight sale? "Baka ikaw pa nga ang pagkaguluhan ng mga babae dun." Bulong ko.
BINABASA MO ANG
The Heart Hitter (Completed)
Fiksi UmumThe Heart Hitter - 'yan ang bansag kay Julian Drew Hernandez. Marami ng mga babae ang tinamaan sa kaniya at marami rin ang handang magpapana sa kaniya. Pero wala ni isa sa mga babaeng iyon ang nais niyang panain ng kaniyang pag-ibig. Kaya sa kanyang...