Wala pa sina Lei nang dumating kami sa Cat's Eye. Agad naman kaming inasikaso ng mga staff nito. Pagmamay-ari ng pamilya ni Clifford ang restaurant na 'to na kung saan katabi lang ng Ferrera Building.
Umupo kami sa lugar na lagi naming pwesto. Wala parin namang pinagbago ang lugar maliban sa kasama ko. Pagkatapos kasi ng mahigit sampung taon, makakasama namin ulit si Julian dito.
"Bakit ganyan ka makatingin? May. . may dumi ba sa mukha ko?" Tanong ko sa kanya. Kanina pa kasi siya nakatitig sakin.
"Bakit? Ayaw mo ba, Princess?" Balik-tanong niya.
Oo, ayaw ko! Gusto ko sanang isigaw 'yan sa kaniya. Nakakailang kasi. Tsaka hindi niya ba napapansin ang pamumula ng pisngi ko? Nanahimik nalang ako at umiwas ng tingin sa kanya. Hindi narin siya nagsalita pero ramdam ko parin ang pagtitig niya. Ang tagal naman kasi nina Lei.
Maya-maya'y ngumiti si Julian pero hindi sakin nakatingin kundi sa kung sino o anumang nasa likod ko. Lilingunin ko na sana nang biglang may kamay na nagtakip sa mga mata ko.
"Guess who?" Tanong ng taong nagtakip ng mata ko.
Even if she tried to change the tone of her voice, I still know who it is.
"Zoey Emmery Valderrama." Sagot ko.
Tinanggal niya ang kamay niya sa mata ko at naupo sa silyang nasa kanang dulo ng mesa. She looked so stressfully beautiful. Maganda parin kahit stress.
"Paano mo nalamang ako 'yun? Nagpractice pa naman akong baguhin ang boses ko. Pero nakilala mo parin ako." Sabi niya. Then she pout.
"Amoy-lapis ka kasi. Hahaha!" Asar ko sa kaniya.
"Hindi nga?" Di-makapaniwalang tanong niya at inamoy-amoy ang kamay niya.
"Medyo nga. Hahaha! Madami kasing nagpagawa ng mga painting. Ang iba sa kanila, mga guests sa party kagabi. . ." Masayang sabi niya.
Napangiti narin ako.
". . Speaking of the party, saan kayo nagpunta ni Julian kagabi?" Usisa niya.
Nasabi ko na bang likas na mga usisera ang mga kaibigan ko? Pwes, ngayon, alam niyo na. At si Emmie palang 'yan. Wala pa 'yung dalawa. Nabura tuloy ang ngiti sa mukha ko.
Tumingin si Emmie kay Julian. Napatingin narin ako sa lalaking kaharap ko. Nakatingin din pala siya sakin at ngumiti na naman. Sinamaan ko siya ng tingin. Kasalanan niya 'to, e.
"Ano, Belle? Magtititigan nalang ba kayo ni Julian?"
Hindi ko alam kung ano ang isasagot. Pero mukhang si Julian ang sasagot ng tanong ni Emmie. Magsasalita na sana siya nang dumating sina Clifford at Lei.
Saved by them and by durian!
"Isabella!. . . O, ang hinihingi mong durian." She kissed my cheek. Binati din niya si Emmie. Saka niya nilagay ang durian sa mesa tapos ay bumaling kay Julian.
BINABASA MO ANG
The Heart Hitter (Completed)
General FictionThe Heart Hitter - 'yan ang bansag kay Julian Drew Hernandez. Marami ng mga babae ang tinamaan sa kaniya at marami rin ang handang magpapana sa kaniya. Pero wala ni isa sa mga babaeng iyon ang nais niyang panain ng kaniyang pag-ibig. Kaya sa kanyang...