Author's note: Gavin Rodriguez - Hernandez at the side.
--------
Surprise were written all over Gavin's face. Hindi dahil nagkita ulit kami, kundi dahil naabutan niya ako sa kwarto na kasama si Julian. He's intently looking at Julian. Tapos ay binalik niya ang tingin sakin. I was surprise, too, after I heard Julian calling him Kuya. Pero bago paman ako makapagtanong, niyakap na ako ni Gavin.
"Namiss kita, Belle... Sobra-sobra." Hinigpitan niya ang yakap. He really miss me.
I hugged Gavin back. Ngumiti lang ako sa sinabi niya. Masyado pang magulo ang utak ko dahil sa muntik na halikan na nangyari sa amin ni Julian kanina at dahil sa narinig kong sinabi ni Julian. Kumalas ako sa pagkakayakap sa kaniya nang magsalita si Julian.
"What are you doing here, Kuya?" Halos magkasalubong na ang kilay niya.
Sumeryoso si Gavin. "Ako dapat ang magtanong niyan sa'yo, Julian. Bakit ka nandito sa kwarto ni Belle?"
"I'm checking MY princess... And Belle, magbihis ka na." Sagot ni Julian. Tumingin siya sakin. Tuluyan na ngang bumuhol ang mga kilay niya. Napakapit naman ako sa bathrobe na suot ko. Darn! Bakit ko nakalimutan na ito ang suot ko?
"Princess? Si Belle ba ang ibig mong sabihin?" Nakakunot-noong tanong ni Gavin.
Julian just grinned. Nagkasukatan ng tingin ang dalawa. Ghad! Why do I sense that something will happen between the two? And I don't feel good about it.
"Ah... I think, you two have to talk. At magbibihis narin ako. And ah... Mukhang nakahanda na ang almusal." Napangiti ako ng alanganin.
Gavin poked my nose. Ngumiti siya saka nagsalita, "Sige. Hintayin ka namin sa baba."
Nauna na siyang umalis. Paglingon ko kay Julian, nakatingin parin siya sa kinatatayuan ni Gavin kanina. Magkasalubong parin ang perfect brows niya. Pinisil ko ang pisngi niya. Nagulat siya sa ginawa ko. Mukhang nakatulong ang ginawa ko para bumalik sa earth ang lumilipad niyang utak.
Humugot muna si Julian ng isang malalim na hininga bago tumingin sakin at ngumiti. "Hintayin lang kita sa baba."
Tumango ako sa kaniya. Lumabas siya pagkatapos. Naguguluhang sinara ko ang pinto ng kwarto ko.
Naabutan ko sina Julian at Gavin na nasa dining area. Magkaharap na nakaupo sa dining table. Kakababa lang din ni Granny. I greeted her and kissed her cheeks. Agad namang tumayo sina Julian at Gavin para batiin si Granny.
"Belle, dito ka na." Halos sabay na sabi nina Julian at Gavin. Pareho silang naghila ng silya para sakin. Napatingin ako kay Gavin saka kay Julian. Tumingin ako kay Granny na nakaupo na sa usual place niya. Ngumiti lang siya sakin.
I sighed. I chose to sit beside Julian. Dito rin naman ako laging pumupwesto, malapit din kay Granny. I saw Julian smirked at Gavin. But I don't think nakita ito ni Gavin, sa akin lang siya nakatingin pagkatapos ay ngumiti. Ngiting alam kong di abot ng mga mata niya.
BINABASA MO ANG
The Heart Hitter (Completed)
Ficción GeneralThe Heart Hitter - 'yan ang bansag kay Julian Drew Hernandez. Marami ng mga babae ang tinamaan sa kaniya at marami rin ang handang magpapana sa kaniya. Pero wala ni isa sa mga babaeng iyon ang nais niyang panain ng kaniyang pag-ibig. Kaya sa kanyang...