Hawak-hawak pa rin ni Julian ang kamay ko. And only-Batman-knows where this guy will take me.
Pero mali ito. Hindi dapat ako nagpapadala sa damdamin ko. Hindi ko dapat hinahayaan ang sarili kong sumunod sa mga gusto niya. Kahit pa gustung-gusto ko ang pakiramdam na hawak-hawak ni Julian ang kamay ko. 'Yung pakiramdam na malapit siya sakin.
"Stop. . ." I said.
Darn! Where the F did my voice go? E parang mga lamok lang ang nakarinig sa sinabi ko. Come on, Belle! You have to stop this.
"Stop. . . I said, stop!"
Huminto siya at lumingon sa sakin. Halata sa mukha niya ang pagkabigla at pagtataka. But he's still holding my hand. And I feel that he's now holding it tightly.
"Let me go. B-bitiwan. . Bitiwan mo 'ko."
I wasn't looking at him. I'm trying to let go from his hold. Pero sadyang mahigpit ang pagkakahawak ni Julian sa kamay ko.
"Ano ba?! Bitiwan mo 'ko sabi --"
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil bigla niya akong hinatak palapit sa kanya, kaya napasubsob ako sa kaniyang dibdib, sa malapad at matigas niyang dibdib.
Julian is now hugging me.
Wala na. Tuluyan nang nakawala ang puso ko. And now, it joined happily with the pouring hearts. I can even hear Julian's heartbeat - fast heartbeat.
"Please, Belle. Let me do this. Ayokong sayangin 'tong pagkakataon na mayakap ka, na malapit ka sakin. You, close to me, is one of the best feeling I had, after ten goddamn years. And you heard that beat of my heart? Pakinggan mong mabuti. . . Isabella Janine Ferrera - 'yan ang isinisigaw niya ng paulit-ulit. That's why I won't let you slip away. Ayoko at 'di ko na kakayanin pa. . ."
Mas lalo niyang hinigpitan ang yakap. At ako? Tulala na. Nablangko na ang utak ko. Habang ang puso ko, nakikipagkarerahan ng tibok sa puso ni Julian.
Ang paghinga at ang tibok ng mga puso lang namin ang maririnig. After ten years, it felt as if I found the missing piece of me. A hug from Julian made me feel safe, appease, and guarded.
Were in that position - Julian hugging me - for I don't know how long. Basta bigla nalang siyang kumalas sa pagkakayakap sakin and he then, cupped my face.
"I've been wanting to do this. . ."
Nanlaki ang mata ko sa sunod niyang ginawa. Halos mabingi ako sa lakas ng tibok ng puso ko.
After that warm hug, ngayon, kiss naman?! Ghad! Ni hindi pa ako nakakarecover sa yakap niya, 'tapos heto na naman siya.
Julian is now brushing his sexy lips to mine. Sheets! I can feel how much he misses me, base on the movement of his lips. Intense much! Oh, ghad! I can't take it anymore. Kapag pinigilan ko ang sarili ko, baka sa huli, pagsisihan ko.
BINABASA MO ANG
The Heart Hitter (Completed)
General FictionThe Heart Hitter - 'yan ang bansag kay Julian Drew Hernandez. Marami ng mga babae ang tinamaan sa kaniya at marami rin ang handang magpapana sa kaniya. Pero wala ni isa sa mga babaeng iyon ang nais niyang panain ng kaniyang pag-ibig. Kaya sa kanyang...