Contains sweat scene.
-----
"Good morning, Nay. Si Granny po?" Tanong ko kay Nanay Clara. Binuksan ko ang ref at kumuha ng isang bote ng fresh milk. Nagsalin ako sa isang baso.
"Magandang umaga din, hija. Si Ma'am Cressida? Maagang umalis kasama si Ma'am Helena. Ay, sandali lang, hija. Tatapusin ko lang 'tong niluluto ko at ng makapag-almusal ka na." Sagot niya habang hinahalo ang kanin. Wow, sinangag!
"Mukhang ang sarap po niyan, ah. Pero sa Cat's Eye nalang po ako kakain. Magkikita din kasi kami mamaya nila Emmie. Tsaka late na po ako sa usapan namin ni Lei."
"Ganun ba? O sya, basta kumain ka ng marami. Saka 'yung pinalabhan mo kagabi na damit, nasa may sala, nakatupi na 'yun." Paalala niya.
Pinalabhan ko pala kay Nay Clara 'yung coat, buti nalang pinaalala niya. Matagal na sa amin si Nanay Clara. Hindi pa ako pinapanganak, nagsisilbi na siya sa pamilya namin. At dahil nag-iisa nalang si Nanay Clara sa buhay, dito na namin siya pinatira at tinuring na parte ng pamilya namin.
"Opo, Nay. Sige po, alis na ako."
Aalis na sana ako nang may maalala.
"Nay, si ano po pala. Si- si Julian po, nakaalis na ba?"
Nakatanggap ako ng text galing kay Lei. 9am, dapat nasa area 15 na kami, ang banana farm area na binili ni Mamita samin. At dapat, kasama ko daw si Julian papuntang area. Like hello? May sasakyan naman siya, kaya na niyang pumunta dun mag-isa. Kung di naman niya alam ang lugar, e di magtanung-tanong siya. Tiningnan ko ang relo ko, 45minutes before 9am. Malapit lang ang area 15 kung may sasakyan. Magpapahatid nalang ako.
"Ay, buti nalang pinaalala mo, hija. Sabi pala ni Ma'am Cressida, sumabay ka nalang daw kay Sir Julian. Pinapaayos pa kasi 'yung isang sasakyan, habang ang isa naman, gamit-gamit niya. Mukhang matatagalan pa daw bago maayos 'yung isang sasakyan."
Sira 'yung sasakyan o pinatago ni Granny? Gumagawa talaga siya, sila ni Mamita, ng paraan para magkasama kami ni Julian.
"Ahhh. . Ganun po ba? Hm. . . Sige po, Nay. Alis na ako. Titingnan ko po kung gising na 'yung lalaking 'yun."
Wala na akong mapagpipilian kundi ang sumabay kay Julian. Hindi naman ako pwedeng magbike dahil nakadress ako. At 'di rin ako pwedeng maglakad dahil may kalayuan ang area na 'yun dito.
Nagpasalamat ako kay Nanay Clara at lumabas na para puntahan ang lalaking naging dahilan kung bakit mahigit apat na oras lang akong nakatulog.
-----
Binati ako ng mga kasambahay nila Mamita pagkapasok ko ng bahay nila. Nagtanong ako kung nasaan si Julian. Kung nakaalis na ba o gising na.
BINABASA MO ANG
The Heart Hitter (Completed)
Ficción GeneralThe Heart Hitter - 'yan ang bansag kay Julian Drew Hernandez. Marami ng mga babae ang tinamaan sa kaniya at marami rin ang handang magpapana sa kaniya. Pero wala ni isa sa mga babaeng iyon ang nais niyang panain ng kaniyang pag-ibig. Kaya sa kanyang...