I still don't understand why I received that text from Julian. After that will-you-stop-calling-me text, I texted him back and asked if he's mad. Pero hanggang sa paghihintay ng flight ko bound for Manila, wala parin akong natatanggap na reply or call mula sa kaniya. I really wanna thank Kara dahil suot ko ang gawa niyang dark sunglasses na nakatulong para itago ang eyebags ko. I didn't have a good sleep last night - o kung nakatulog nga ba ako. Iniisip ko kung ano ang nagawa kong mali o kung bakit ganu'n ang text ni Julian. Dahil kung busy siya at ayaw niyang maabala ko siya, he can text me in a way na hindi ako mag-iisip na galit o naiinis siya. Heto na nga ba ang disadvantage ng text messaging. Hindi mo alam kung ano ang damdamin ng taong nagpadala sa'yo ng mensahe. At sa kaso ni Julian, hindi ko alam kung anong emosyon mayroon siya nang ipadala niya sa'kin 'yung text and it really bothers me.
"Ma'am, andito na po tayo." Pukaw sa'kin ng taxi driver.
Hindi ko namalayang nandito na pala kami sa harap ng bahay nina Ayen at Louie. Binigay ko ang bayad sa driver at bumaba na. Galing ako kanina sa Pastry Shop namin ni Ayen dahil gusto kong gawan ng cupcakes si Julian. Pero pagkapasok ko palang ng shop, nasusuka na ako sa amoy ng mga cupcakes, lalong-lalo na ang amoy ng bubblegum flavor icing nito. Kaya hindi natuloy ang plano kong gumawa ng cupcakes at dumiretso nalang sa bahay ko. Naligo ulit ako dahil pakiramdam ko, nanunuot sa damit ko ang amoy ng cupcakes. Hindi ko alam kung bakit biglang bumaliktad ang sikmura ko dahil sa amoy. To think, I've been making cupcakes since I was 18. Nakakapagtaka lang. Napagdesisyunan kong pumunta muna kina Ayen bago puntahan si Louie. Ibibigay ko 'tong pomelo na dala ko na nirequest ni Ayen sa'kin at maaga pa naman, baka nagpapahinga pa si Julian dahil Sunday ngayon.
Tinanggal ko ang suot na dark sunglasses at inilagay sa bag ko saka ako nag-doorbell. Pagkabukas ng gate, bumungad sa akin ang napakaganda kong kaibigang buntis. Ang laki ng ngiti ni Ayen nang makita ako. Niyakap niya ako at naramdaman kong bumangga ang malaking tiyan niya sa'kin. Ang laki naman yata ng tiyan ni Ayen? Ah, she's on her 8th month of pregnancy na pala.
"Janine! Na-miss kita! Dali, pasok ka." Hinawakan niya ang kamay ko at hinatak papasok sa loob ng bahay nila.
"Sorry, Ja-- Belle. Nasanay akong tawagin kang Janine." Sabi niya nang makaupo kami sa long couch ng sala nila.
"Kamusta ka na? You don't know how surprised I am nang makita ka ngayon." Tanong niya at pinisil-pisil ang pisngi ko.
"Para namang hindi tayo nag-uusap sa phone. Nakalimutan mo agad kung kamusta ako? At ikaw, na-surprise? E ang pagpunta ko nga dito ang bukambibig mo sa phone since Wednesday. Baliw ka talaga!" Sabi ko at tumawa.
Pero hindi tumawa si Ayen. Sumeryoso bigla ang titig niya sa'kin. Sinusuri niya ako base sa paraan ng pagtitig niya. "Are you okay, Belle?"
Nag-iwas ako ng tingin at napunta ang tingin ko sa malaking portrait nina Ayen at Louie noong college pa sila. "Okay lang ako, no."
"Oh, really?" Hinawakan ni Ayen ang magkabilang pisngi ko at pinaharap sa kaniya. "Iyan ba ang okay? 'Yang eyebags, 'yang ngiting 'di abot ng mata, at 'yang lungkot sa mga mata mo. It all shows that you're not okay. At alam mo bang masama ang magsinungaling sa buntis? Baka maaga kong mailuwal 'tong inaanak mo."
Huminga ako ng malalim saka ngumiti kay Ayen. Hindi talaga ako makakapaglihim sa babaeng ito. Hinawakan ni Ayen ang kamay ko. "Now, spill it out o I'll spill my baby out?"
BINABASA MO ANG
The Heart Hitter (Completed)
General FictionThe Heart Hitter - 'yan ang bansag kay Julian Drew Hernandez. Marami ng mga babae ang tinamaan sa kaniya at marami rin ang handang magpapana sa kaniya. Pero wala ni isa sa mga babaeng iyon ang nais niyang panain ng kaniyang pag-ibig. Kaya sa kanyang...