Hit 21

2.1K 20 18
                                        

Amanda pulled a chair next to Julian. Ikinawit niya ang kamay niya sa braso ni Julian so she can be closer to him, tapos ay maarteng nagsalita, "Julian, darling. Did you miss me?"

Napangiwi ako. She's caressing Julian's face. Hindi niya ba kami napapansin? Hindi ba nararamdaman ng babaeng 'to na ang sama na ng tingin ko sa kaniya? I looked at Julian. Pilit niyang tinatanggal ang kamay ni Amanda na nakakawit sa braso niya but to no avail, dahil mukhang pinaglihi sa sawa ang babaeng 'to. Napansin yata ni Julian ang mga titig ko sa kanila. He stared at me as if saying, "Help me get rid this of girl!". Kahit gustung-gusto ko nang hatakin at sipain paalis ng AmorCruise ang Amanda na 'to, hindi ko magagawa. I won't stoop down to her level. At hindi ako palaaway na tao, unless, needed by the situation.

"Belle... Gusto mo, karatehin ko na 'yang si sawa girl?" Napatingin ako kay Emmery dahil sa sinabi niya.

"Emmery?! Anong kakaratehin? E mas matangkad pa nga siya sa'yo. Kaya 'wag na, baka masaktan ka lang." Napanguso siya. Binalik ko ang tingin kina Julian and he still staring at me. Ikinakunot ng noo ko nang bigla siyang ngumisi. Natutuwa ba siya sa mga nangyayari? Dahil sobrang lapit ni Amanda at nakadikit na ang dibdib nito sa braso niya? Anong nakakatuwa du'n? Malakas na tumikhim si Lei kaya napatingin kaming lahat sa kaniya na nakaupo sa dulong bahagi ng mesa malapit kay Emmie. 

"Hindi mo ba kami ipapakilala sa NAPAKALAPIT mong kaibigan? Huh, Julian?" Gusto kong matawa sa itsura ni Lei. Nakataas ang isang kilay niya habang marahang pinupukpok ang ballpen sa mesa.

"Ah... Yes, of course. Ah, girls, this is --"

"I'm sorry? Ako? Kaibigan ni Julian? Nah-ah! I'm her girl and I own him." Mataray niyang sagot.

Tumaas ang kilay niya at nagsalita pang muli, "Don't tell me, you're one of Julian's girls?"

"Sorry, Miss, ha? Pero sa sarili mo dapat sabihin 'yan. At isa pa, si Belle ang tunay na --" Hinawakan ko ang braso ni Emmie para 'wag ituloy ang sasabihin niya. Nagtatanong ang mga tingin nila ni Lei sa akin. They really want me to speak. Umiling ako saka ngumiti. Ayoko lang ng gulo. Hindi pa naman umaabot sa puntong may sinasaktan na si Amanda. Pero hindi nga ba ako nasasaktan sa nakikita ko?

Julian took a deep breath bago nagsalita. Napansin niya siguro ang pananahimik namin. At kitang-kita sa mukha niya ang pagkairita. "Ladies, this is Amanda. Kaibigan ko."

Napatingin si Amanda kay Julian. Mukhang nagulat siya dahil pinakilala siya sa amin bilang KAIBIGAN. Magrereklamo pa sana siya pero pinili niyang itikom ang bibig niya. Tumingin ulit si Amanda sa amin nang nakataas ang isang kilay. Hindi ko na mapigilan si Emmie na magsalitang muli, "Anong pangalan niya, Julian?... Anaconda? Bagay! Lakas kasi makalingkis."

Tumawa sila ni Lei. Ang ba-bad! Napakagat nalang ako sa pang-ibabang labi ko para pigilan ang sarili kong makitawa sa dalawa. Buti nalang at may pagka-slow si Amanda dahil hindi niya agad nakuha ang sinabi ni Emmery. She even asked Julian about it pero kagaya ko, pinipigilan din niya na huwag tumawa.

Dumating si Cliff para sunduin si Lei, sumabay narin si Emmie. Maya-maya rin, nag-aya nang umuwi si Amanda. Akala ko, dito siya sa AmorCruise magi-stay or worst, kina Julian. Pero thank God! At sa isang hotel sa Davao siya nakacheck-in. Hanggang paglabas namin ng Cat's Eye nakaangkla parin si Amanda sa braso ni Julian. The whole time, parang hindi kami nage-exist nina Emmie at Lei dahil si Julian lang ang kinakausap ng babaeng 'to. Hindi naman kami makausap ni Julian dahil kinukuha ni Amanda ang atensyon niya. Pero ang loko, ngiting-ngiti pa tuwing tumitingin sa akin. At naiinis na ako.

The Heart Hitter (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon