Hit 27

2K 17 18
                                    

Contains sweat scene.

--------

I checked myself in the mirror. I'm wearing a black, printed, long sleeve shirt na nakalilis ang manggas hanggang sa may siko ko. Ang sabi kasi ni Julian, I have to wear something na komportable ako. Naubusan narin kasi ako ng jeans since 'yung iba ay naiwan ko sa Manila. So, I ended up wearing a maong short which is an inch above the knee. After I made sure na okay na ang lahat, lumabas na ako ng kwarto at pababa na ng hagdan. I remember what Julian did to me last night. Uminit na naman ang pisngi ko. Even it was just a kiss - erase! Rather, it was a hot, fiery kiss. Na nagawang patayuin lahat ng balahibo ko sa katawan. At ang lakas ng kabog ng aking dibdib kapag iniisip ko kung saan ako dadalhin ni Julian. To think, patikim pa lang 'yung ginawa niya kagabi. Paano na kaya mamaya? Though, every part of me feels very much excited.

Nakita ko na naghihintay si Julian sa may sala at napatayo siya nang makita ako. No doubt, he looks so hot and fresh in his  v-neck shirt and faded, black jeans. Pinapainit niya ang malamig na simoy ng hangin. Hinagkan niya ako sa pisngi pagkalapit ko sa kaniya at nagsalita, "You're hotter than summer, prinsesa ko."

"Bolero! Malayo pa ang summer." Sabi ko at pinisil ang ilong niya. Ngumisi siya pagkatapos ay walang sabi-sabing hinalikan ako. Mabilis lamang iyon dahil kaagad na niya akong inaya para umalis dahil baka daw magbago ang isip niya at sa kwarto ko nalang daw kami mamalagi buong gabi. Nakatanggap siya agad ng mga kurot sa tagiliran dahil sa mga sinabi niyang 'yun.

Ilang beses ko siyang tinanong tungkol sa pupuntahan namin pero ngiti lang ang sagot niya. Ang daan na binabagtas namin ay patungong Banana Farm. Hanggang sa lumiko ang sasakyan at huminto sa Farm Lake. Kumunot ang noo ko. Anong gagawin namin dito? Magfi-fishing? Magsu-swimming? Imposible. Paano namin gagawin 'yun? It's eight PM already.

Napansin kong maliwanag ang dingding-less na maliit na kubo malapit sa lake. Nang nakalapit na kami dito, mas lalong kumunot ang noo ko nang mapansing may nakalatag na tela sa damuhan at may mga basket na nakalagay dito.

"Ano 'to? Anong meron?" Tanong ko kay Julian.

"This is a date. Our first date." Sagot niya. At iginiya na ako paupo.

"First date natin 'to? How about 'yung sa park? Hindi ba 'yun date?" Sunud-sunod na tanong ko sa kaniya.

"Nope. 'Yung sa park, sabihin nalang nating nagthrowback tayo. So that wasn't a date." Sagot niya habang inilalabas ang laman ng mga basket.

Bottled water, chips, sliced fruits, cream dory nuggets, chaofan, at ang paborito ko na chicken lollipop - ito ang mga nasa basket na sa tingin ko'y si Julian ang nagprepare.

So this is a date under the bright moon and millions of stars.

Napangiti ako sa isiping 'yun. Nagkukwentuhan kami ni Julian habang kumakain. We talked about the things we used to do dito sa lake. 'Yung mga panahon na nagpaparamihan kami ng mga nahuhuling isda pero pagkatapos ay pinakakawalan din namin dahil ayaw niya akong makitang umiiyak. Iniiyakan ko kasi kapag nakita kong nahihirapan 'yung isda. I also remember one time na masayang binalita ni Julian na marunong na siyang lumangoy, kaya kaagad siyang lumusong sa lake. Kinabahan ako nang hindi siya kaagad nakaahon. Laking tuwa ko nang nakita ko na ayos lang siya. Sinabi niya noon sa'kin na nag-aral daw talaga siyang lumangoy para siya na raw mismo ang sasagip sa'kin kapag nalunod ako. Ibang klase nga lang ang pagkalunod ko, nalunod ako sa pagmamahal niya.

The Heart Hitter (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon