Author's note: Ang kabanata na ito ay inilaan para sa POV ng lalaking may asul na mga mata. Lol. :">
------------------------------
Julian's POV
"S-sino ka?"
Parang sirang plaka na paulit-ulit na tumatakbo sa utak ko.
I can't forget Belle's reaction upon seeing me. What happened in the greenhouse was something I never expected. I expected worst than that.
I even readied my self for harsh words, mga panunumbat, that I will hear from her. I was even thinking that she'll going to slap me or kick me straight to my 'precious'. Though, I'm thankful na hindi niya ako sinipa. Paano nalang ang kinabukasan namin? Pero sana, sinipa niya na lang ako. She should've hurt me physically. Mas masakit pala kapag diretso puso 'yung sakit. Tuluyan niya na ba akong kinalimutan?
Alam kong hindi siya umaarte kanina. She looked puzzled. Lost. It's as if she's trying to remember something - someone but she can't. I saw it in her eyes and I know Belle, alam ko kung kelan siya nagsisinungaling at kung kelan siya totoo sa nararamdaman niya. At sa sobrang pagtitig ko sa kanya, hindi ko tuloy siya agad nasundan. Napako nalang ako sa kinatatayuan ko. Fvck! Ang tagal bago nagprocess ng utak ko. What can I do? She took everything from me. Paano gagana utak ko, kung dala-dala ni Belle ang puso ko? Damn! Bumabalik ang pagiging makata ko. Pero para kay Belle, kahit sumunod pa ako kay Balagtas, gagawin ko. Basta bumalik lang siya sakin. Oh, shit! Sh!T! Dumudugo na ilong ko, and now, my heart bleeds, too. Nahabol ko narin kasi si Belle pero mukha siyang walang pakialam sa paligid niya.
She's in front of their house. She looks like. . A zombie, magandang zombie. Para kasing wala siya sa sarili niya. At napansin kong pinupunasan niya ang mukha niya gamit ang kamay niya. Narinig ko rin ang malakas na pagbuntong-hininga niya bago tuluyang pumasok sa kanila.
Shit to the nth time! Did she cry? No! Hindi pwede. Ayokong isipin na ako ang dahilan ng pag-iyak niya. What did you do, Julian?! Argh! Siguro, naalala na niya ako. Mas mabuti siguro na hindi nalang, para hindi siya umiyak.
"Shit!"
"Watch your mouth, Julian!" Banta sakin ni Mamita. Napalakas pala ang pagkakasabi ko nun. Nakapasok na pala ako ng bahay. Zombie narin ba ako?
"My mouth, Mamita? Ilang beses po akong nagmouthwash. ." Itinapat ko ang kamay ko sa bibig ko at nagbuga ng hangin. ". . It doesn't smell bad. Ang bango pa nga po, Mamita, e."
Tumingin siya sakin sabay sabing, "Bingi-bingihan, apo? Sabi ko watch your mouth, hindi wash your mouth." At iiling-iling na itinuon ulit ang atensyon sa laptop. Kanina niya pa kachat si Granny. They're preparing for the party tomorrow night.
"Akyat lang po ako sa taas." I kissed her cheeks.
BINABASA MO ANG
The Heart Hitter (Completed)
General FictionThe Heart Hitter - 'yan ang bansag kay Julian Drew Hernandez. Marami ng mga babae ang tinamaan sa kaniya at marami rin ang handang magpapana sa kaniya. Pero wala ni isa sa mga babaeng iyon ang nais niyang panain ng kaniyang pag-ibig. Kaya sa kanyang...