Thirty-minutes ko ng kasama dito sa sasakyan si Julian. Within that span of time, ang mga dinadaanan lang namin ang kaharap ko at ang katahimikan parin ang namamayani sa pagitan namin. When we went to the farm this morning, it's as if, naka-enervon siya. Ang kulit-kulit. Napakaenergetic. At kung anu-ano nalang ang mga sinasabi. Now, why the sudden change of mood, Julian? And why is it that you still manage to look so drop dead hot even if you look so serious?
Tumingin siya sakin. Binalik niya ang atensyon niya sa daan at nagtanong. "What is it?"
"Wala." Maikling sagot ko. Tumingin nalang ako sa labas.
Namayani na naman ang katahimikan. Pero maya-maya, nagsalita ulit siya. "It looks like that, that GM is so important to you. Ikaw pa mismo ang personal na susundo sa kaniya. You can even ask one of our company driver to fetch him, pero mas pinili mong sunduin siya."
Napatingin ako sa kaniya dahil sa sinabi niya. Nasa daan parin nakatuon ang tingin niya. Nagrereklamo ba siya? Dapat hindi nalang niya ako sinamahan kung labag naman sa loob niya.
"I didn't asked you to come with me. Kung nagrereklamo ka --"
"Hindi ako nagrereklamo." Putol niya sa sasabihin ko.
"Kung hindi ka nagrereklamo, bakit mo 'yan sinasabi? Bakit ka nagkakaganyan? At ano naman sa'yo ngayon kung importante sakin si GM?" Naiinis kong tanong.
He stopped the car. Nag-red light pala.
"Dahil nagseselos ako. Nagseselos ako na may lalaki na sa buhay mo na mas importante pa kaysa sakin. Nagseselos ako na may iba ng lalaki na mas malapit sa'yo kaysa sakin." Dire-diretso niyang sagot. Diretso din ang tingin niya sa mga mata ko. Nakatingin din ako sa mga mata niya.
Bakit ba kahit naiinis na ako, nagagawa niya paring pabilisin ang tibok ng puso ko, magpaulan ng puso, at bigyan ng rason ang mga paru-paro sa tiyan ko na magwala at magsaya?
"Pero sigurado ako, that I love you more than how much GM loves you. Mas mahal kita, Belle. Mahal na mahal." Seryoso parin ang pagkakasabi niya.
Come on, Belle, stop looking at his eyes. Ghad! Akala ko, nagulantang na ang mundo ko nang sabihin niyang nagseselos siya pero may mas ikakagulantang pa pala ito. Hindi parin ako nasasanay sa tuwing sinasabi niya na mahal niya ako.
I admit, naapektuhan ako sa mga sinabi niya. The abnormal beat of my heart and the feeling of pouring hearts all over me were some of the effect he has to me.
Naputol ang pagkakalunod ko sa mga mata niya, I mean, ang titigan namin nang biglang bumusina ang sasakyan na kasunod namin. Nag-green light na pala.
Kung kanina, katahimikan ang pumagitan samin, si Akward naman ngayon ang namamayani. Tumingin nalang ulit ako sa labas.
But really? Si GM pinagseselosan niya? Ohmyghad, gusto kong matawa! Si GM talaga ang pinagselosan? No way na papatol ako kay GM.
BINABASA MO ANG
The Heart Hitter (Completed)
Ficción GeneralThe Heart Hitter - 'yan ang bansag kay Julian Drew Hernandez. Marami ng mga babae ang tinamaan sa kaniya at marami rin ang handang magpapana sa kaniya. Pero wala ni isa sa mga babaeng iyon ang nais niyang panain ng kaniyang pag-ibig. Kaya sa kanyang...