Hit 10

2.7K 36 11
                                    

Tahimik kaming nakarating ng Area 15. Hindi narin naman ako nagsalita ulit. Baka saan pa mapunta ang usapan.

Inihinto niya ang sasakyan sa may parking area na para sa mga guests. Hindi pwedeng magpasok ng sasakyan unless, may lamang mga tools or products na inorder ng farm. Or the vehicles will undergo disinfection.

"'Wag ka munang bumaba, Princess. I'll open it for you." Utos niya saka siya bumaba ng sasakyan.

Pero bago pa siya makaikot para pagbuksan ako, kusa na akong bumaba. May kamay naman ako, kaya no need for him to help me.

"I told you, ako na ang magbubukas." Sabi niya.

"I'm not a kid anymore. Hindi mo na kailangang gawin 'yun." Sabi ko at nauna na akong maglakad. Ayokong maging mean sa kanya, totoo lang talaga ang mga sinabi ko. Maybe. . Maybe someday, hahayaan ko na siyang itrato ako bilang isang prinsesa. Kapag tuluyan na sigurong mabura ang lahat ng takot na nararamdaman ko.

Sinalubong kami ni Mang Celso, isa sa mga trabahador ng Farm Area 15.

"Magandang umaga po, Miss Belle, Sir Julian." Bati niya samin.

"Magandang umaga din po." Sabay naming sabi ni Julian. Napatingin ako sa kaniya. Ngumiti pa ang loko. Inirapan ko nalang.

Nasisilaw ako sa kaniya. Masyado siyang maliwanag kahit 'di naman siya direktang natatamaan ng araw. Parang Edward Cullen lang. Psh. Natatakpan parin ng mga ulap ang araw pero bakit ang init ng kasama ko?

"Si Annalei po?" Tanong ko kay Mang Celso.

"Nasa loob na po si Miss Lei. Tinitingnan ang bagong dating na fertilizers. Dahil kinuha ko po 'tong pala sa Area 14, pinakiusapan niya nalang din po ako na hintayin kayo dito sa labas." Paliwanag niya.

"Ah. Okay po." Kaya pala may dalang pala si Mang Celso.Nagsimula na kaming maglakad papasok ng Area 15.

Dumaan muna kami sa Disinfection Area para idisinfect ang mga sapatos at paa namin. Binati kami ng mga tao dito. Ginagawa ang pagdi-disinfect sa lahat ng Banana Farm Area para mapigilang makapasok ang mga dalang disease o bacteria mula sa labas na maaaring makasira sa mga pananim. Magkaiba nga lang ang Disinfection area para sa mga worker at mga bisita. May mga dapat pa kasing sinusuot ang mga trabahador lalo na kung sa Packing Area nakaassign. In Mang Celso's case, since kasama namin siya, dito nalang din siya pinagdisinfect.

Ibinigay ko kay Mang Celso ang flat shoes ko. Binigay din ni Julian ang kanyang itim na Sperry shoes. Saka ko nilubog ang paa ko for 5 minutes sa tubig na may disinfectant. Pinalitan ulit ng bagong tubig at si Julian naman ang naglubog ng paa dito. Itinupi niya ang jeans niya para hindi mabasa.

In fairness, ang ganda ng paa. Ang linis ng kuko. Saan kaya nagpapafoot spa ang lalaking 'to? Nagpapa-pedicure kaya 'to? Mukhang alagang-alaga kasi ang mga paa niya. Sana naging paa nalang siya. Hahaha! Pero seryoso, kung gaano siya kagwapo, ganoon din ang mga paa niya.

The Heart Hitter (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon