"Let's go, Belle. Huwag mo nang pilitin ang sarili mong tapusin 'yang ginagawa mo. It's 3o'clock already, may dadaanan pa tayo." Pag-aaya sakin ni Julian. Isinave ko muna ang gawa ko bago shinutdown ang laptop. Wala na akong nagawa nang si Julian na ang nagbitbit nito. Dahil for almost a week, ganito lagi ang ginagawa niya. Siya ang tagabitbit ng mga gamit ko, ang nagdadala ng lunch naming dalawa, at driver ko narin. Dinaig niya pa nga si Lei, secretary ko, sa pagpapaalala na dapat huwag ko iconsume lahat ng oras ko sa mga naiwang trabaho dito sa opisina. Na kelangan ko rin daw ibreath-out ang stress, at mag-enjoy. At ito nga ang dahilan kung bakit ang aga-aga naming mag-out ngayon kahit na ang dami ko pang dapat gawin.
Pero ang pinakagusto ko sa lahat na pinapaalala niya, ay tuwing sinasabi niya at pinaparamdam kung gaano niya ako kamahal.
Kumakabog nga ang dibdib ko tuwing naiisip ko na sabihin narin sa kanya na sa simula pa lang, mahal na mahal ko na siya. Siguro, darating din ang tamang panahon na 'yun. At alam kong malapit na 'yun.
Halos dumugin naman ng mga babae dito si Julian. Ito ang ayaw ko kapag papalabas at papasok dito sa building, na aakalain mo isa siyang artista dahil halos lahat ng mga babae dito, gustong makuha ang atensyon niya. They will either greet Julian or ask something na alam kong alam na nila ang sagot. But thank God! Nakakalabas naman kami ng building ng buhay. Pagkapasok namin sa sasakyan, kinukulit ko na siya kung saan kami pupunta. Ang sagot niya, "It's throwback Thursday, my princess."
We stopped at AmorCruise's Park. Marami-rami narin ang mga tao dito. Ngumiti siya sakin bago hinawakan ang kamay ko at hinila papunta sa Bike4Rent na stall. So, this is what he calls throwback?
"Sandali, Julian. Bakit isang bike lang?" Tanong ko sa kaniya.
"This is better kaysa mag-isa kang magba-bike. Baka kung ano pang mangyari sa'yo... Umangkas ka na." Aniya at pinaupo na ako sa likod ng bike. Hinawakan niya ang dalawa kong kamay at pinulupot sa bewang niya.
"Hold on tight, princess." Napakapit ako sa kaniya at nagsimula na siyang mag-pedal. Naaamoy ko na naman ang nakaka-adik niyang bango na sumasama sa hangin na tumatama sa mukha ko. I feel free and happy, and at the same time, loved.
Tumigil kami sa bahagi ng park na kung saan nakapwesto ang mga nagtitinda ng mga street foods at iba pa. Agad akong lumapit sa nagtitinda ng kwek-kwek at fishballs. Namiss ko 'to lalo na dati kung saan kasama ko si Julian na nagfo-foodtrip dito. Throwback nga.
Um-order ako ng isang kwek-kwek at ten pesos na fishballs. Inalok ko si Julian pero tumanggi siya at panay lang ang kuha niya ng larawan sakin. Natigil siya sa ginagawa niya nang subuan ko siya ng apat na fishball. Ang epic lang ng itsura niya kaya hindi ko na napigilang matawa.
Tawa parin ako ng tawa habang hila-hila niya ako papunta sa nagtitinda ng icecream. Nakakuha na naman siya ng hampas mula sa'kin nang isubo niya bigla sa bibig ko ang ice cream. Now, it's his turn to laugh at me habang kinukunan ako ng picture. Loko-loko talaga.
Tinawag niya ang mga batang naglalaro malapit sa amin. Nagtaka ako nang pinapila niya ito. Iyon naman pala, ililibre ni Julian ang mga bata ng ice cream. Tuwang-tuwa siya habang inaabot niya sa mga bata ang ice cream. Ang fresh parin niyang tingnan with his usual polo, semi-fitted gray jeans, at black Converse shoes (ang hilig niya talaga sa mga sneakers), kahit na buong araw siyang paroo't parito sa office. Sa itsura niya, parang hindi siya tagapagmana ng isang kilalang Shipping Lines at parang hindi sa opisina nagtatatrabaho. Pero kahit na anong isuot ni Julian, ang drop dead hot niya paring tingnan lalo na sa ginagawa niya ngayon. I took pictures of him habang nakikipagtawanan at nakikipagkulitan sa mga bata.
BINABASA MO ANG
The Heart Hitter (Completed)
Ficción GeneralThe Heart Hitter - 'yan ang bansag kay Julian Drew Hernandez. Marami ng mga babae ang tinamaan sa kaniya at marami rin ang handang magpapana sa kaniya. Pero wala ni isa sa mga babaeng iyon ang nais niyang panain ng kaniyang pag-ibig. Kaya sa kanyang...