Hit 37

1.8K 28 0
                                    

Contains medyo sweat scene.

-----

Nagising ako na may parang mabigat na kung ano sa tiyan ko na kailangan kong ilabas. I hurriedly went to the bathroom and tried to puke whatever that heavy feeling in my stomach. Pero puro tubig lang ang nailabas mula sa bibig ko. Naghilamos nalang ako at nagbihis. Hindi na ako nakapagpalit ng damit kagabi dahil nakatulugan ko nalang ang pag-iyak ko. Pinili kong suotin ang malaking t-shirt na sadyang binili ni Julian para sa'kin. Ito rin ang t-shirt na suot ko noong nasa D' Leonore kami.

Napabuntong-hininga ako. Lumabas na ako ng kwarto pagkatapos at dumiretso sa kusina para uminom ng tubig. Ang sama parin ng pakiramdam ko. Tapos naalala ko na naman ang mga nangyari, mula noong nakaraang araw pati na ang insidente kahapon. Nasaan kaya si Julian? Siguro pagkatapos ng mga sinabi ko kahapon, pagkatapos kong kwestyunin ang pagmamahal niya sa'kin, baka tuluyan na niya akong iniwan. Ngunit may parte rin sa'kin na nagbabakasakali na nasa labas lang si Julian. That he was patiently waiting for me outside and I will be greeted by he's sweet and sexy smile.

Humakbang ako papalapit sa pinto na para sa labas. Hinahanda ko ang sarili ko sa disappointment pero kalahati ng sistema ko ang naniniwala na hindi sumuko si Julian. Binuksan ko ang pinto saka inilibot ko ang tingin ko hanggang sa mapadako ang mga mata ko sa gawing kaliwa. Hindi ko maiwasang mapangiti nang makitang nakasandal si Julian sa pader, sa gilid lang nitong pinto. Nakapikit siya habang nakacross arms at mga paa niya'y nakatupi. Para siyang fetus sa posisyon niya - malaki at gwapong fetus. Tulog na tulog si Julian. Napuno naman ako ng pag-aalala dahil alam kong 'di siya komportable sa posisyon niya. At isa pa, hindi pa siya kumakain simula kahapon.

Maingat akong lumapit sa kaniya. Umupo ako sa harapan niya para pumantay ang mukha ko sa kaniya. Medyo namamaga ang mga mata niya at halata ito kahit nakapikit siya. Did my Julian cried? Hinaplos ko ang mukha niya. Sumasakit ang puso ko kapag naiisip kong umiyak siya. Bakit ba hindi ko siya pinakinggan? I didn't gave him the chance to explain.

Nagulat ako nang nagmulat siya. Isang malungkot na ngiti ang binigay niya sa'kin. Napatayo ako dahil sa ginawa niya. Bigla kasing bumilis ang pagtibok ng puso ko. Ngunit mas lalong bumilis ang pagtibok nito nang lumuhod siya sa harapan ko at niyakap ang aking mga binti.

"Belle... Huwag mo 'kong iwan. Please... I'm sorry, Belle. Sorry... Sorry. Hindi kita kayang iwan. Please don't- don't push me away. Hindi... Hindi ko kayang w-wala- ka." Nahihirapang sabi niya. Naramdaman ko ring basa na ang laylayan ng t-shirt ko.

O, ghad! Umiiyak ang Julian ko.

"Julian..." Halos pabulong ko lang binigkas ang pangalan niya.

Ang pagbilis ng tibok ng puso ko ay napalitan ng sakit. Nasasaktan ako sa nakikita ko. Hindi ko kayang nakikitang umiiyak ang mahal ko. Mas lalong hindi ko kaya ang pagsusumamo niya. Kahit nanginginig, hinawakan ko ang mga kamay niyang nakapulupot sa binti ko saka ko siya hinila patayo. Kitang-kita ko ang luhang patuloy na umaagos mula sa mga mata niya.

Hinawakan ko ang magkabilang-pisngi niya. "Julian ko..." Mahinang sambit ko. 

The Heart Hitter (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon