Alam niyo yung feeling ng super disappointed ka sa score mo kahit sa totoo lang, achievement na dapat yown para sayo? >.<
Asar talagang “substainable” yan... argh.. bakit kasi panay –able yung nasa enumeration tapos biglang magiging “substantial” ?? psh.. edi ayan, nabopols ako, “substainable” na ilagay ko.. boplaks talaga.. >.< ayun na ee, partey partey na.. naunsyame pa >.<
Ewan ko ba, ang engot ko nga ee, uno pdin naman yung grade, kahit may isang mali.. pero... panay padin putok ng butche ko >.<
Waaaah... naiinis ako sa sarili ko alam niyo yun... Psh...
Pasensya na kung sa tingin niyo ambabaw, mababaw naman talaga, tss, hindi ko lang makalimutan.. argh ! bawi nlang sa Finals.. tss
Osya~ tama na tong sentimyento ko...
Sana kahit papaano maappreciate niyo tong update ko... SALAMAT XDD
*******************************************************************************************************
SHARMIE’S POV...
Patuloy ako sa paglakad, gusto ko siyang iwasan, gusto ko siyang layuan.. hindi ko kayang Makita siya.. dahil kapag nakikita ko siya... hindi ko amiwasang masaktan...
Paulit-ulit na pumapasok sa isip ko yung nakita kong larawan sa damit niya...
Kahit sabihin ko sa sarili ko na waa lang yon, nab aka napulot niya lang iyon o kung ano pa mang ibang dahilan... hindi pa din mawala sa isip ko ang posibilidad na siya at si Yael... ay iisa...
“Sharm..” tawag niya sa akin nang sa wakas ay maabutan niya ako.. hinigit niya ang braso ko at pinaharap sa kanya... nakatingin siya ng diretso.. habang ako, iniiwasan ang mapanuring mata niya..
“b-bakit?” tanong ko habang nakatingin sa opposite direction niya.. pinipilit kong maging mahinahaon at normal ang pakikitungo sa kanya.... alam ko, wala na ding sense, dahil alam na niyang may mali saming dalawa, alam na niyang may problema ako... at alam kong ramdam na ramdam na niyang iniiwasan ko siya...
“kausapin mo na naman ako oh.. para alam ko kung anong problema nating dalawa, para naman hindi ako nanghuhula kung bakit nagkakaganyan ka...” sabi niya tapos hinawakan yung pisngi ko at pilit iniharap sa kanya ang mukha ko...
Nang Makita ko ang nagsusumamo niyang mata... pakiramdam ko, nanginginig ako, nanghihina ang mga tuhod ko.. gusto kong umiyak.. gusto ko siyang yakapin...
Ramdam kong malapit ng pumatak ang mga luha ko, kaya agad akong tumalikod sa kanya... ayokong Makita niya akong umiyak, ayokong Makita niya ako sa ganitong sitwasyon, anon a lang ang sasabihin kong dahilan sa kanya? Na kaya ako nagkakaganito dahil hindi mawala sa isipan ko yung nakita kong picture sa coat niya? Na iniisip ko na siya at si Yael... ay iisa? Ayoko.. ayokong Makita ang magiging reaction niya, ayokong malaman ang mga sagot sa tanong sa isipan ko.. dahil baka, yung..... yung.... yung pinakaayokong sagot.. yung pinaka ayokong marinig na sagot.... baka iyon ang sabihin niya...
BINABASA MO ANG
MAN , WHO I HAVE TO MARRY[FINISHED]//SOON TO BE PUBLISHED UNDER LIB//~
Teen FictionLosing the one she loves the most, Euphy Maniego agreed to marry someone her parent wants for her. But when she finally accepts the fact that she'll marry someone she barely knows, comes Drei Toledo, the one who irritates the hell out of her and the...