chapter 37...

20.9K 227 83
                                    

dedicated kay Madam Arianne XDD nyahahaha..

nag-update ako kasi, bukod sa naiinggit akong mag-update, hahahaha... ngayon pala ang nalagay kong date for update ^O^

teka muning.. wala pang 50 votes pero nag'update na ako? nyahahaha.. babawi nlang ako dito.. hihihi...

ito ang update na ewan ko kung ikakatuwa niyo.. nyahahahaha, basta DREINICE \m/ sorry and love ko kayo ^O^ nyahahaha..

please enjoy..

--sassyabhie05

*************************************************************************************************************

“L-let’s go...”

 

Tahimik na sinunod niya ang sinabi nito.. inalalayan niya ito, hawak niya ang magkabilang braso nito habang nasa may kanang bahagi siya at sinosoportahan  ito sa paglalakad...

Nagulat siya sa mga nakita niya... hindi niya inaasahan ang tagpong makikita niya...

Nang marating nila ang sasakyan, agad siyang umalalay para makasakay ito sa kotse... ng komportable na ito, umikot siya sa may driver’s seat at pumwesto na...

Gusto niya ng makaalis sa lugar na iyon.. gusto niya ng makaalis sa lugar na pinagsisihan niyang napuntahan niya ng mga oras na iyon...

[A/N:baliwag lang no? Hahaha.. pasuspence pa? Nyahahaha...]

 

***

 

LUCILLE’S POV...

 

Ang iwan siya ang isang pinaka malaking desisyon na pinagsisisihan ko...

Pumunta ako sa ibang bansa para ipagpatuloy ang pag-aaral ko, gusto kong maabot ang mga pangarap ko, gusto kong maging matagumpay... ayokong maliitin ng pamilya niya, ayokong maging mababa ang tingin sa akin ng magulang niya...

Kaya noong may dumating na opurtunidad para sa akin.. agad ko iyong kinuha, agad ko iyong tinanggap... gusto kong maging proud sakin ang magulang niya, gusto kong matanggap ako ng pamilya niya...

Alam ko, mababa ang tingin nila sa akin.. dahil, hindi ako mayaman... hindi ako nabibilang sa kanila.. masyadong mababa ang estado ng buhay ko para sa anak nila...

Ako... anak lang ako sa labas ni Papa.. anak niya lang ako sa isang babaeng minahal niya habang magkasama sila ni Tita... anak niya lang ako sa isang kerida... isang kabit.. kaya mababa ang tingin sa akin..

Pero.. kailanman, hindi iyon pinaramdam sa akin ni Andrei... hindi niya pinaramdam kung gaano ako kababa, hindi niya pinaramdam na katulad ako ng aking ina.. walang kwenta at nakakahiya...

MAN , WHO I HAVE TO MARRY[FINISHED]//SOON TO BE PUBLISHED UNDER LIB//~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon