EPILOGUE...

29.2K 502 213
  • Dedicated kay MWIHTM supporters :))
                                    

MAY SEASON 2 na po siya: nasa External Link. Don't expect too much, baka madisappoint. and one more thing, It's Season 2, not Book 2. Oki. Yun langs :)) 

--sassyabhie05

************************************************************************************

EPILOGUE~

 

Sa hinabahaba ng prosisyon, sa simbahan din ang tuloy...

Hanggang ngayon, hindi padin ako makapaniwala, ikakasal ako sa taong pinakamamahal ko... ikakasal na ako kay Andrei Louie Toledo...

Parang kailan lang, nag-aasaran pa kaming dalawa, hindi mapatid ang pagpipikunan, walang katapusang barahan at hindi matapos-tapos na pilosopohan...

Hindi naging maganda ang simula naming dalawa... away dito, away doon, asaran dito, asaran doon, pikunan dito, pikunan doon, pula dito, pula doon... para kaming aso’t pusa, pusa’t daga... hindi kami magkasundo at lagi naming kagalit ang isa’t isa...

pero, nasisigurado ko... hindi man sa magandang simula, nagsimula ang istorya naming dalawa, ngayon, masasabi kong sa magandang paraan ito matatapos... hindi ito magiging “once upon  a time” lamang, bagkos, ito ay isang “happily ever after”... hindi ito magiging “tragic ending”, bagkos, ito ay magiging isang “happy ending”...

marami akong natutunan sa mga naging karanasan ko, nagiging matatag ako ng dahil sa mga ito... at masasabi kong mas naging mabuting tao ako ng dahil doon...

siguro, si Ryu ang aking soulmate... pero, si Andrei naman ang aking destiny...

dahil kay Ryu, ramdam ko talaga yung pakiramdam ng “oneness” sa kanya, alam niyo yung pakiramdam na parang magkarugtong talaga yung buhay niyo?? Parang kambal lang?? Hahaha, pero seriously, ganito pala yun no?? Hindi lahat ng soulmate natin nakakatuluyan natin, mas malakas pala talaga ang powers ni Destiny... kaya nga heto ako ngayon, naglalakad sa altar,buong galak na lumalapit sa taong naghihintay sa akin sa dulo ng aisle, taas noong naglalakad papunta sa lalaking aking papakasalan, sa lalaking nakatadhana kong pakisamahan, SA LALAKING NAKATAKDA KONG MAKASAMA HABAMBUHAY...

kulang ang salitang “SAYA”, “LIGAYA”, “TUWA” para ilarawan ang nararamdaman ko ngayon, alam ko na... ganito pala ang pakiramdam ng ikakasal, halo-halong emosyon ang mararamdaman mo... andyan yung kaba, yung takot, yung tuwa at saya... andami kong nararamdaman ngayon... pero, isa lang ang mas nananaig, bukod sa pagmamahal ko kay Andrei, ito ay iyong sayang dulot ng kaalamang yung taong mahal mo, siya yung taong kasama mong haharap sa Diyos at mangangakong sabay na haharapin ang mga pagsubok na ibibigay sa inyo, siya yung taong kasabay mong bubuo ng pangarap, yung taong kasabay mong gagawa ng masayang pamilya...

siya yung katuwang mo sa buhay hanggang sa tumanda ka...

ganito siguro kasaya kapag ang taong makakasama mo, ay yung taong pinili ng puso mo, hindi iyong pinili ng mga magulang mo dahil siya ang gusto nila para sa iyo...

somehow, dapat din siguro akong magpasalamat sa mga magulang ko, dahil kung hindi nila ako pinangunahan sa pagdedesisyon tungkol sa lalaking dapat kong pakasalan, walang ANDREI at EUPHY’ing masayang ikakasal ngayon, walang mabubuong pagmamahalan sa pagitan naming dalawa... dahil sa totoo lang, ang tipo ni Andrei ang huling taong gusto kong mahalin sa mundo...

MAN , WHO I HAVE TO MARRY[FINISHED]//SOON TO BE PUBLISHED UNDER LIB//~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon