chapter 39...

20.3K 222 64
                                    

 

maya ko na ayusin ng matino XDD

i shall return ^O^

VOTE.LIKE.COMMENT po kayo XDD

hihihi.. ngayon lang nakaupdate ngayon lang nakaabot sa kota ee ^O^

osya~ gora muna ako..hihihi

--sassyabhie05

***********************************************************************************************************


EUPHY’S POV...

 

Nandito ako sa harap ng pad ni Andrei... halong kaba at excitement ang nararamdaman ko... pero, sa tuwing maaalala ko na kailangan ko siyang pakawalan muli... parang naninikip ang dibdib ko, parang gusto kong umiyak... agad ko rin namang iwinawaksi sa isip ko yung bagay na iyon, dahil gusto kong maenjoy ang araw na ito... ang araw naming dalawa ni Andrei, ng taong mahal ko...

Sa ikalawang pagkakataon, gagawa na naman ako ng pinakamasakit na pamamaalam na alam kong gawin, ang maging Masaya at pagkatapos, papakawalan ang isa’t isa...

Biglang bumukas ang pinto... tumambad sa akin si Andrei, bagong gising siya...

Nang Makita ko siya, parang nawala lahat ng mga iniisip ko, nagtatatalon sa tuwa ang puso ko... kaharap ko ngayon ang taong mahal ko, kaharap ko siya ngayon...

Gulat na gulat si Andrei nang Makita niya ako, “Eu-euphy???” kunot noong pagkukumpirma niya pa...

Tumango-tango ako, ang taksil kong mga luha, nagsipatakan na, pasaway talaga sila, sabi ko hindi ako iiyak ee...

Bigla akong niyakap ni Andrei... niyakap ko din siya, miss na miss ko na talaga siya, sobrang namimiss ko na siya...

“Euphy, totoo ka... andito ka talaga...” sabi niya tapos hinigpitan niya ang pagkakayakap sa akin...

“oo Andrei, andito ako... andito ako..... para yayain kang makipagDate sa akin...” nakangiting sabi ko sa kanya habang yakap ko padin siya...

Bigla niya akong iniharap sa kanya, kunot na kunot ang noo niya, hindi ko maiwasang mapangiti sa reaksyon niya...

“d-date???” pangungumpirma niya...

Tumango-tango ako at itinaas ang basket na dala ko... “yes Andrei Louie Toledo, magpipicnic tayong dalawa, at sasama ka sa ayaw at gusto mo...” natatawa-tawang sabi ko sa kanya...

Napapailing siya, “nagtanong ka pa ee no choice na din naman pala... pero... hindi naman ako magpapakipot ee, wag kang mag’alala...” sabi niya, tapos maya-maya, nagbago ang expression ng mukha niya, “teka, p-paano si.. Yael? Paano mo nlamang nandito ako?” tanong niya...

MAN , WHO I HAVE TO MARRY[FINISHED]//SOON TO BE PUBLISHED UNDER LIB//~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon