RYU’S POV..
“KURT... minahal mo ba talaga ako?”
Pinunasan ko ang mga luhang patuloy na pumapatak mula sa mga mata niya.. para akong pinapatay sa sakit habang nakikita siyang umiiyak... umiiyak ng dahil sa akin..
“sssshh... tahan na Sharm..” niyakap ko siya... kelangan ko na talagang mamili sa kanilang dalawa.. kailangan ko nang magdesisyon ... dahil habang tumatagal, lalo lang lumalala ang problema.. habang tumatagal, lalo lang may nasasaktan.. lalo lang kaming nasasaktan...
Antagal ko na din itong pinag-isipan, matagal na din akong nagtitimbang... at sa tingin ko... alam ko na kung sino ang dapat kong piliin.. alam ko na kung kanino ako mas sasaya... alam ko na kung sino ang dapat kong ipaglaban...
***
SHARMIE’S POV...
Pakiramdam ko, katapusan na ng mundo ko... minahal niya ba talaga ako? Totoo ba lahat ng mga pinakita niya sa akin noon? Totoo ba?
SANA...
Sana totoo siya.. dahil pinaniwalaan ko lahat yon, naging Masaya ako ng dahil doon.. naramdaman ko ang pagmamahal ng dahil doon...
Sana totoo siya... dahil kung hindi... ewan ko na, hindi ko kaya...
Mahal na Mahal ko siya.. buong buhay ko, siya lang ang lalaking minahal ko ng ganito.. sa kanya lang ako tunay na lumigaya...
Pakiramdam ko... ikamamatay ko kapag nawala siya... ganoon ko siya kamahal...
Pero...
Si Euphy...
Paano si Euphy?
Masasaktan ko siya kapag ipinagpatuloy ko to.. masasaktan siya kapag hindi ko isinuko si Kurt... masasaktan ko siya dahil inaagaw ko ang taong mahal na mahal niya... at... hindi ko yon makakaya...
Hindi ko siya kayang saktan... bestfriend ko siya, masyado siyang mahalaga sa akin... itinuturing ko siyang kapatid... alam ko ang mga pinagdaanan niya ng dahil kay Ryu... alam ko kung gaano niya iniyakan ang pagkawala ni Ryu...
Hindi ko alam ang gagawin ko...
Naiipit ako sa dalawang taong mahalaga sa akin.. sa dalawang taong mahal ko...
Ang ipinagdadasal ko na lamang ngayon... sana... sana si Andrei na talaga ang mahal niya... n asana, wala na siyang nararamdaman para kay Ryu... iyon na lang ang makakapagpaluwag ng sitwasyon ko ngayon.. ang malamang si Andrei na talaga ang mahal niya...
Si Kurt, kahit naman siguro kapiraso, binigyan niya ako ng puwang sa puso niya.. kahit naman siguro papaano minahal niya ako... kung hindi na siya ang mahal ni Euphy.. pwede namang.. ako na lang... ako na lang ang mahalin niya... handa akong magpagamit sa kanya para lang makalimutan niya ng lubusan si Euphy.. handa akong magpakatanga para lang sa kanya... basta, dito lang siya.. dito lang siya sa tabi ko... handa akong gawin ang lahat.. makalimutan niya lang ang nararamdaman niya kay Euphy.. handa akong saluhin siya, handa akong hintayin siya... basta mahalin niya lang ako ng buong buo...
BINABASA MO ANG
MAN , WHO I HAVE TO MARRY[FINISHED]//SOON TO BE PUBLISHED UNDER LIB//~
Teen FictionLosing the one she loves the most, Euphy Maniego agreed to marry someone her parent wants for her. But when she finally accepts the fact that she'll marry someone she barely knows, comes Drei Toledo, the one who irritates the hell out of her and the...