CHAPTER 62

258 37 2
                                    


LANCE P.O.V

"LANCE PWEDE BA!BITAWAN MO NGA AKO!" Sigaw ni Hershey sakin.Bat ko nga ba sya hinahawakan?Kasi nakita ko syang may kahalikang lalaki sa isang bar?Fvck!Great!So great!Pumunta ako sa isang bar para makalimutan sandali yung problema ko pero pilit naman pala akong sinusundan ng problema ko,uuwi na sya,babalik na si Hershey sa Paris,iiwan nya na ulit ako.Alam kong may tama na ako ng alak.Nakakilang bote na din ako eh.Nakita ko si Hershey.Di ako pwedeng magkamali si Hershey ngayon.Si Hershey na may kahalikang lalaki.Kaya bigla na lang naginit yung ulo ko.Ano bang nangyayari sayo Hershey? Bago pa kami makagawa ng eksena sa loob hinila ko na sya palabas ng bar.Hinila ko sya sa di mataong lugar nasa daan kami ngayon,sa gitna ng daan.

"ANO BANG PROBLEMA MO!?" sigaw nya habang pilit na nagpupumiglas sa pagkakahawak ko,kaya binitiwan ko sya.

"IKAW!IKAW ANG PROBLEMA KO!" Sigaw ko sa kanya.

"Ano bang ginawa ko sayo huh!?" sabi nya,halata yung inis sa boses nya.

"Bat ka nakikipaghalikan sa lalaking yun!?BAKIT!?" di ko na alam yung nararamdaman ko.Galit,selos,pagkalito,inis,sakit halo halong emosyon na.

"May batas ba sa Pilipinas na bawal makipaghalikan kahit kanino?" sabi nya.

"Ano bang gusto mo ganito!?"

bago pa sya makakilos hinalikan ko na sya.Halik na nananabik na parang aagawan ako.Torrid kiss?Kinda.Hinalikan ko sya ng full force,I kiss her hungerly.Hinalikan ko sya na yung tipong wala ng bukas.Di nya ko hinalikan pabalik,habang hinahalikan ko sya may maalat akong nalasahan.Minulat ko yung mata ko at nakita ko syang umiiyak.Umiiyak sya.

*PAK*

Napahawak ako sa pisngi ko.Sinampal nya ko.

"ANO LANCE MASAYA KA NA!?HUH?MASAYA KA NA BAA!?" sigaw nya,shit anong ginawa ko,natakot ba sya sakin?Nagdilim yung paningin ko kaya ko nagawa yun.Umiiyak na din ba ako?oo sigur kasi may parang mainit sa pisngi ko na walang tigil sa pag-agos.

"Hershey .. I'm .. I'm sorry" sabi ko.

"Jan!Jan ka magaling *sniff* jan ka magaling sa putang inang sorry na yan*Hik*" sabi nya.

"Lance sawang sawa nako *sniff* akala ko kaya ko na*sniff* akala ko wala na*sniff* Pero Lance paulit ulit bumabalik eh *sniff* sariwang sariwa pa *sniff* ang lahat" sabi nya.

"Look I--" di ko natapos yung sasabihin ko.

"SHUT THE FUCK UP LANCE!" sabi nya at tumalikod na,naglakad na sya palayo.Unti unti namang may pumapatak,nakikisabay ba ang langit sa pagdadalamhati ko?Hinabol ko sya at hinawakan ko sya.

"ANO BA!?BITAWAN MO --"

"Please.Hershey 'wag mo *sniff* kong iwan *sniff* " pagmamakaawa ko sa kanya,wala akong paki alam kung may makakita man samin o sakin,na nanlilimos ng pagmamahal kay Hershey. Habang tumatagal mas lalong lumalakas yung ulan,basang basa na kami.

"Sana noon pa yan yung ginawa mo." sabi nya at pilit na inaalis yung pagkakahawak ko sa kanya. Lumuhod nako sa harapan nya.

"Please.Hershey *sniff* parang-awa mo na *sniff* m-mahal na mahal kita" sabi ko sa kanya.

"M-mahal?M-mahal mo ko?Fvck that" sabi nya,at tuluyan ng nahablot nya ang kamay nya.

"Parang awa mo na Hershey *sniff* 'wag .. 'wag mo na akong iwan *sniff* ulit.. di ko na kakayanin *sniff* mahal *sniff* na mahal kita *sniff* parang awa mo na *sniff* a-ano bang dapat k-kung gawin p-para m-mahalin mo ulit ako?*sniff* g-gagawin ko lahat*sniff* " sabi ko sa kanya,blurred na yung nakikita ko,ni hindi ko na maaninag ng klaro yung mukha ni Hershey.Hinawakan ko yung kamay nya habang nakaluhod ako.

"Gagawin mo ang lahat?" sabi nya.

"L-lahat lahat" sabi ko,wag mo lang akong iwan.

"Kung mahal mo ko,layuan mo na ako.Tigilan mo na ako.At Palayain mo na ako." sabi nya at huli ko na lang nakita tumatakbo na sya palayo sakin.Wala na.Naiwan ako nakaluhod sa gitna ng daan habang umuulan.

Sobrang mahal kita Hershey.Sobra.At kung yan ang gusto mo ... kahit mahirap ... at kahit masakit .. gagawin ko ... lalayuan kita ...titigilan na kita ... at .. at .. papalayain na kita ... pero .. di ko maipapangakong ... KAKALIMUTAN KITA.

HERSHEY P.O.V

Masaya na ba ako?Nagawa ko na ang dapat kung gawin.Napaiyak ko sya,napaluhod ko sya at nagmakaawa na sya sakin.Pero bakit ganun?Diba dapat nagsasaya ako?Masaya ako *sniff* sobrang saya *sniff*

"Revenge ni Ms.Tanga kay Cassanova " (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon