Chapter 24: Pera at Hiling

303 13 21
                                    

Chapter 24: Pera at Hiling

Sumisikat na ang Quotada sa underground scene ng musika. At alam ko, parang magkasalungat na ideya ang “sikat” at “underground” pero ganun nanga. Ako parin ang taga-sulat ng kanilang mga kanta. Akin ang liriko at may pursyento ako sa kanilang mga gig. Malaking tulong ito sa gastusin para kay Baby Kamiseta. Nag-drop nako sa PU dahil wala naman talaga ako interes mag-aral. Tinuloy ko nalang ang pagsusulat ng liriko para sa Quotada.

At kung kasikatan ang pag-uusapan, hindi narin biro ang naabot ni Million. Kasali na s’ya sa isang sit-com sa ABS-CBN. Hindi ako sang-ayon sa pag-pasok n’ya sa mainstream media pero wala na akong magagawa kung yun talaga ang gusto n’ya. Kasama n’ya na ang bibigating artista ng Pilipinas. At malamang, masangkot lang s’ya sa isang issue o di naman kaya ay aksidente, sisikat na s’ya ng tuluyan. Parang bulkang mayon, biglang puputok. Dahil dun lang naman nakikilala ang mga artista ng Pilipinas, sa kanilang mga imbento at planadong balita.

Tinutulungan ako ni Heaven sa gastusin sa bata, kahit na sabihin kong hindi ko na kailangan (na kasinungalingan lamang dahil kailangang kailangan ko talaga ng tulong). Nagtayo ang mag-ina ng isang RTW – Botique dun lang din sa dating pwesto ng kanilang Siopao-an at wala pang isang linggo ay punong – puno na ito ng tao. Maganda ang panlasa ni Heaven sa pananamit kaya magagandang klase at mapoporma ang mga nasa botique nila. At ang kanyang ina, si Aling Heavy ay madaming raket. Bukod sa kanyang pagiging cook sa simbahan ay sumasaydlayn din s’ya sa mga catering services. Nabanggit n’ya rin sakin dating mag-tatayo s’ya ng sariling restaurant pag nakaipon sila mula sa kanilang RTW – Botique.

Tumawag si Sam, siyam na buwan matapos ang pagkamatay ni Kamiseta. Ako ang nag-sabing tumawag s’ya. Nagpadala ako ng mensahe sa kanya gamit ang internet at sa tulong narin ni Heaven.

“Hello?”, sabi ng dalagang hindi ko na nakikita ng madaming panahon, “Basillio?”

Basillio. Sabi ko sa sarili ko. Ilang taon na ba akong hindi natatawag na Basillio. Ako nga ba si Basillio?

“Sam,” sagot ko, “Sam. . .”

“Oh?”

Hindi ako makaimik. Hindi ko alam kung pano ipapaalam sa kanya ang balita.

“Basillio, ano ba? Kinakabahan ako. Sabi ni Heaven sa email n’ya dapat daw akong tumawag sayo as soon as possible. Eto na ako, sabihin mo na! Anong nangyari?” Takot na takot ang boses ni Sam na para bang alam n’ya na ang nangyari. Na para bang hinihintay n’ya nalang talagang ibalita kong patay na si Kamiseta.

“Patay na si Kamiseta.”

Isang mahabang katahimikan ang pumalibot. Walang tunog kundi ang mahinang ugong ng telepono. Unti – unti ay nakarinig ako ng hikbi. Isa... dalawang segundo ang pagitan... hikbi, hikbi. Umiiyak si Sam.

“Sabi ko na,” sabi n’ya na para bang alam n’ya na talaga, “Sabi ko na... Basillio, wala na s’ya. Ang Kamiseta natin.”

Pinigilang kong umiyak. Sinarado ko nalang ang aking mga mata at kinagat ang dila ko. Gusto kong putulin ito gamit ang aking mga ngipin. Sana, hindi ko nalang binalita. Sana hindi umiiyak si Sam. Mahigpit ang pagkakahawak ko sa telepono at nung naisip kong baka masira ko ito ay kumalma ang aking pakiramdam ng bahagya.

Alam na daw ni Sam. Pero pano? Wala s’ya dito. Sinabi ba ni Heaven o ni Million?

“Napanaginipan ko ‘to.” Sabi n’ya bigla, patuloy ang pag - iyak “Pati tong pagtawag ko sayo. Napanaginipan ko rin to.”

“Napanaginipan?”

“Oo. Di masyadong klaro ang panaginip ko pero napanaginipan kong nabangga s’ya. Isang mabilis na liwanag ng hindi malamang sasakyan ang kumuha sa kanyang buhay. At kinausap n’ya ako, sa bingit ng kanyang kamatayan, may mga dugo sa kanyang labi. ‘Salamat’, sabi n’ya. Hindi ko maintindihan talaga. Pero may iba pa akong panaginip tungkol sa pagkamatay n’ya. May mga panaginip rin akong nagpakamatay s’ya. O di kaya ginahasa nila Red. Basillio, please... ano ba, hindi ko maintindiha--”

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 12, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Kwento ng TaoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon