Chapter 15: Lahat
Pumasok ako sa school nung Lunes. Na-alala ko na ang pamilyar na mukha, s’ya yung nagbigay kay Ms. Pu ng mga papeles nung unang araw ng pasukan. Kaliwa’t kanan ang tingin ko sa campus para hanapin s’ya. Kailangan kong sabihin sa kan’ya ang nararamdaman ko. Na hindi ko s’ya ni-rape. Hindi ko alam, pero kung iisipin mo ng wasto ang nangyari nung gabing yon ay: Lasing ako, hindi s’ya lasing, nag-talik kami at hindi kami mag-kakilala. Isang maling galaw at pwedeng nasa likod nako ng mga kalawang na bakal at ginugulpi ng mga preso. Hindi ko man sigurado kung anong gusto ko sa buhay, sigurado naman akong hindi ko nanaising maging reypist.
Hinanap ko parin si Maya pero wala talaga ni-anino n’ya. Kaya umuwi nalang ako at ‘don ay na-abutan ko rin si Zombie sa wakas, ilang araw s’yang di umuwi. Tinanong ko s’ya tungkol kay Maya at gulat na gulat yung mukha n’ya.
“Nakilala mo si Maya?!”
“Oo. Sabi n’ya ay kilala ka n’ya.”
“Tangina pare! Astigin.” Sabi n’ya sabay hawak sa balikatan ko. “Ano, may nangyari ba sa inyo?”
Sumagot ako ng oo.
“Tanginamers.” Sabi n’ya. “Astig ka talaga! Alam mo ba ng lahat sa banda, kasama ako, ay pinapangarap mai-kama si Maya? At ikaw, sa sandaling ‘yon. Napili ka n’ya!”
“Napili ako?”
“Oo- pero tingin ko di mabuting pag-usapan natin to. Kapag nalaman ‘to na pinagsasabi ko s’ya ay tiyak hindi na ako makakahawak ng gitara kahit kelan. Basta pre, ayos yan!”
Pinag-iisipan ko kung ano talagang ibig sabihin ni Zombie ‘non pero wala talagang pumapasok sa utak ko na kahit anong ideya, kelangan ko talagang makausap si Maya, siguro. Pero wala talaga akong ideya kung nasan s’ya. Tumitingin ako sa halos lahat ng bulletin board sa lahat ng department para atleast makita yung pangalan n’ya at makita kung may trabaho s’ya sa mga offices at malaman kung anong oras upang ma-abangan sa office. Nakita ko ang pangalan n’ya isang beses pero hindi s’ya sumipot. Sinubukan ko rin hanapin s’ya sa halos lahat ng room pero wala parin talaga.
Dalawang linggo na ang naka-lipas at handa na akong sumuko, ng biglang nakita ko s’ya sa harap ng gate ng school. Nag-pagupit s’ya at ang buhok n’ya ay hanggang gitna na lang ng leeg. May hawak s’yang yosi sa pagitan ng kanyang mga daliri, halos ganon parin yung costume n’ya pero minus yung jacket at lagyan mo ng sleeves yung sando. Ngumiti s’ya sakin at tumawid ako para kausapin na s’ya.
“Oh Ibarra.” Sabay buga ng usok sa tagiliran n’ya. “Long time no see, hanap mo daw ako?”
Bago pa-man ako mag-salita ay pinigilan n’ya na ito.
“Kita tayo sa Linggo ha, sa Greenbelt 1. Mga 4PM, tapat ng Starbucks, yung tabi ng Bonchon. Intayin kita ‘don at pwede ka rin manguna kung gusto, ayos lang kung malate ka.”
“Teka- Maya teka!”
“May aayusin pa ako e. Sa Linggo nalang.” Nakangiti n’yang sabi sakin habang pumara s’ya ng taxi.
Nag-lakad na ako pauwi habang naninigarilyo. Kinuha ko sa bulsa ko yung note na iniwan sakin ni Maya. Hindi ko sigurado kung bakit ko’to tinago pero ginawa ko parin. Nung nag-talik kami ni Maya, hindi ko parin sigurado kung tama bang gawin ‘yon. Sinulit ko ang huling buga ng sigarilyo ko at tinapon ito sa pinaka-malapit na basurahan.
Pag-uwi ko ay nakita ko si Vampire na tulala. Tulala na s’ya sa makalipas na araw, simula pa nung first day. Hindi na ako nakapag-pigil at tinanong ko na, pero ginawa ko ang lahat upang hindi mag-tunog na chismoso ako.
BINABASA MO ANG
Kwento ng Tao
Teen FictionAno ba ang mga dapat pag-daanan ng isang binatilyo upang maging matanda? Nasa edad nga ba ang katandaan? Nasa utak lang ba talga ang kabataan? Madaming tanong ang gustong masagot ng isang binatilyong madaming pangalan pero hinahanap parin ang kanyan...