Chapter 21: Salu-salo
Binuksan ko ang ilaw ng kwarto ni Heaven. Pumikit ang huminga ng malalim. Pinunasan ko ang butil-butil na pawis na namumuo sa aking noo at pagitan ng mga kilay. Sa malamig na gabi ng Disyembre, dalawang araw bago mag-pasko, nag-padala si Sam ng regalo para sa aming apat nila Million. Nakatanggap si Million ng sapatos, si Heaven ay niregaluhan ni Sam ng shorts at pantaas, kay Kamiseta ay mga libro at may pinadalhan din s’ya ng isang puting dress na natatandaan kong sinuot ni Sam dati, sa akin, isang CD. At ito ang dahilan ng pag-papawis ko ngayon kahit na napakalamig ng gabi.
Umuwi ako muna ulit ng Laguna upang dito mag-palipas ng pasko kasama ang mga kaibigan ko.Tatlo lang kami, kilala n’yo na kung sino sino. At ayun nga, nagulat nalang kami na may biglang kumatok sa pintuan nila Heaven at may buhat buhat na LBC box. Syempre ay wala si Kamiseta at hindi pa namin maibibigay ang kanyang regalo. Agad tinawagan ni Heaven si Sam pero mabilis lang sila nag-kausap dahil mukhang abala si Sam sa ibang bagay nung oras na ‘yon. Binigay ni Heaven sakin ang CD at sinabihan akong i-play ko daw sa kanyang laptop.
Nahiya man akong sabihin sa kanya ay hindi talaga ako marunong gumamit ng laptop. Kaya binuksan ito ng dalagang may ari, may pinindot na kung ano, isinalampak ang CD at sinabing: “Pindutin mo na lang ‘tong play pag gusto mo na mapakinggan. I-sasarado ko ‘tong pinto dahil alam kong para sayo lang ‘yan.”
Ngumiti s’ya at sinarado na ang pinto. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan ng ganito, dahil ba alam ‘kong may kasintahan na si Sam sa France? Hindi ko alam, hanggang ngayon, di ko parin masabi.
Pinindot ko yung play button at sinuot ang headphones ni Heaven.
“E-ehem, Hello, Basilio!” sabi ni Sam mula sa headphones, medyo iba ang boses n’ya pero marerecognize mong boses ito ni Sam. “Kamusta ka na?, Pasensya kana last time ha.”
Ihininto ko muna ang record. Huminga ng malalim ulit. Kinusot ko ang mga mata ko (wala ‘tong luha promise), at pinindot muli ang play button.
<Medyo matagal na ‘rin tayong walang komunikasyon. Kamusta kana? Incase di mo parin maisip kung sino ‘tong nakausap sayo e si Sam to, Sampaguita, sana hindi mo pa ako nakakalimutan. Isa...dalawa...tatlong taon narin no? Ang tagal na natin hindi nagkikita. Hindi nag-kakausap. Ang tagal na natin hindi nakakapag-kwentuhan kahit na ako lang nag-sasalita parati. Tulad ngayon, ako lang nag-sasalita at nakikinig ka. Kamusta kana?...hahaha... parang maririnig ko naman pag-sumagot ka e no? Alam mo, parang nahihiya ako. Hindi lang dahil nag-sasalita ako dito sa bahay ngayon at wala akong kausap pero wala lang, nahihiya ako kasi kausap kita, kahit papano, kausap kita. Nag-aaral ako dito mag-luto, so far ayos naman yung progress ko. Isa na siguro ako sa pinaka-masarap mag-luto ng pasta sa buong mundo. Pero nung pinag-luto ko yung boyfriend, ex-boyfriend, ko dito e hindi n’ya nagustuhan. Alam ko, iniisip mo e bakit may nagka-boyfriend ako. Nahihiya ako sagutin e. Baka mag-iba na tingin mo sakin. Alam mo kasi, gusto lang kita ulit makita nung mga araw na ‘yon, hanggang ngayon. Ang sama nga sa pakiramdam e, na parang ginamit ko lang yung lalake para mawala ka sa isip ko kahit papano. Ang bigat talaga, ang bigat bigat sa pakiramdam>
Maririnig mo ang pigil na pag-hikbi ni Sam, halatang hindi n’ya gusto ang ginawa n’ya. Maririnig mo ang singhot at kung pakikinggan mong maigi talaga, maririnig mo rin ang kanyang pag-kusot sa mata.
<P-pasens’ya na> pagpa-patuloy ni Sam, <Ang pangit lang talaga sa pakiramdam e. Hindi ko nga kaya mag-sorry sa kanya ng h-harapan talaga. Ang p-pangit sa pakiramdam. Grabe Basilio, gusto ko na mag-kasama ulit tayo, tayo-tayo. Ikaw, ako, si Kamiseta. Gusto ko na mangyari ‘yon. Pero tingin ko malapit na ‘yon, dahil u-uwi kami d’yan para sundan si Papa. Plano kasing n’yang tumakbo bilang Alkalde ng Bae sa susunod na taon. Hindi ko nga alam kung bakit, bigla nalang n’ya gustong pasukin ang pulitika. Pinigilan ko nga s’ya e pero ba-baba daw kasi si Mayor ngayon, mag-konsehal na lang daw s’ya. Ang rason, hindi ko rin alam. Tsaka patapos na rin ako sa kinukuha ko ngayon dito sa France. Diba nga, sabi ko sayo, magaling na ako mag-luto. Papatikimin kita pag-uwi ko d’yan kaya ingat ka lagi d’yan ha? Gusto ko na mag-kasama ulit tayong tatlo. Teka, speaking of, balita ko pala pumuntang Cotabato si Kamiseta? Nabalitaan ko lang kay Heaven, na-mention mo daw yun nung nag-uusap kayo minsan. Kamusta na kaya s’ya no? Yaan mo, ilang buwan nalang naman ay mag-kikita kita ulit na tayong tatlo. Ikaw ba? Kamusta kana?! Balita ko rin umalis karin ng Bae at pumutang Makati! Sira ka talaga. Napakahilig mong sumugal. Buti may nakapulot sayo no? Susme. Mag-iingat ka ha? Kayong lahat d’yan, pati si Million, sabihin mo mag-ingat s’ya. Si Heaven, alagaan mo rin. Galingan mo kung ano mang gusto mong gawin, alam kong hindi ka focus sa academics mo d’yan sa College pero alam ko rin namang kayang kaya mong mabuhay ng tuloy-tuloy. Siguro ganun ka lang talagang tao, no? Sige, marami pa tayong mapag-ku-kwentuhan pag-uwi ko d’yan ha? Intayin mo ako. Gusto ko nandun ka sa airport pag-balik ko, alam ni Ate Mela yun kaya kausapin mo s’ya. Isama mo si Heaven at Million. Sige ha, salamat. Wala na ako masabi, gusto ko sabhin sa’yo ng personal nalang siguro. Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon!>
BINABASA MO ANG
Kwento ng Tao
Novela JuvenilAno ba ang mga dapat pag-daanan ng isang binatilyo upang maging matanda? Nasa edad nga ba ang katandaan? Nasa utak lang ba talga ang kabataan? Madaming tanong ang gustong masagot ng isang binatilyong madaming pangalan pero hinahanap parin ang kanyan...